Nights with Mister Ten - 9

41 0 0
                                    


Si Niko:

Wala akong booking ngayon kaya tatambay ako sa NMA.

Doon muna ako magpapatable.

Pagpasok ko sa loob ay eksakto namang palabas si Teddy.

Anak ng tokwa talaga!

Sa dami ng pwede kong makita ay siya pa.

"Niko."

"Aah uy Teddy."

Tinapik niya lang ako sa balikat at nilagpasan ako.

Ewan ko ba anong nagyari sakin pero bigla akong huminto at hinabol siya.

"Aah may gagawin ka Teddy?"

"Wala naman. Bakit?"

"Gusto ko lang na..I mean.. gusto kitang makausap."

"Aahh..sige."

"Dito ba sa NMA?"

"Aah personal sana eh."

"Oh..okay. Sa classroom dati kung gusto mo."

"Aah puede don."

Sinundan ko na siya papunta sa dati naming room.

Ano ba tong nangyayari sakin!?!?

Pagpasok namin sa room ay dumiretso siya sa table sa harapan.

Ako naman tumayo sa katapat niyang table.

"So anong problema Niko?"

"Aahh..kasi..."

Ano nga ba!?!?

I know that I'm straight.

Sure ako don.

Bakit ko nga ba gustong makausap si Teddy!?!?

"What's the problem Niko?"

Hindi ko parin alam ang sasabihin ko.

Bakit nga ba kasi!?!

Huminga siya ng malalim.

"Look Niko. Is this about what happened last time?"

Napatingin na ako sa kanya.

"I'm straight Niko."

"Ako din naman."

"Then what is it?"

"I just...I can't shake it off my system."

"What do you want me to do?"

Pucha ano nga ba!?!?

Huminga ulit siya ng malalim.

Lumapit siya sa akin.

Sinuntok niya ako sa tiyan kaya naman napaatras ako at napasandal sa mesa.

Napahawak ako sa tiyan ko.

"Hindi kita masuntok sa mukha eh baka maapektuhan booking mo. Look Niko. In this job kailangan mong lunukin ang pride at sarili mo minsan. Kalimutan mo na. Nagkakaganyan ka because it was your first time with the same gender. Kung hindi mo kaya, next time tanggihan mo."

Tumango ako.

Siguro nga kailangan ko lang talaga marinig mula sa kanya na wala talaga lahat yun.

"Isipin mo na lang ako yung gagong sumuntok sayo."

Natawa ako.

"Thanks Teddy."

"Yeah. Alis nako."

Lumabas na siya ng room.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon