7pm ang call time namin pero 4pm palang nasa Pensèe na ako.Mukhang hindi lang ako ang excited dahil halos lahat kami andon na.
Inaasar nga kami nila ms Aiselle at prof Teddy.
Dahil nga andon na kami ay nagsimula na kaming magprepare.
May theme ang performance namin ngayon.
Yun ang Moulin Rouge.
Kaya naman ang sexy ng mga suot namin.
Napagkasunduan kasi naming lahat na magkocostume talaga kami.
Hindi pa perfect pero kahit papaano ay marunong na akong magmake up.
Tinulungan din ako ni ms Aiselle.
Nagtulong tulong talaga kami sa pag-aayos ng lahat kahit nga ng props.
Nung nag 7pm na ay dumiretso na kami sa NMA.
Sa likod kami dumaan para hindi kami makita ng mga client.
Grabe kinakabahan ako na ewan.
8pm kami magpeperform.
Nagretouch kami at inalala ang mga gagawin.
Bandang 7:55 pm ay pinagather kami ni prof Teddy.
"Good luck everyone! Enjoy your moment fantasies!"
Sabi niya.
"Yes sir Teddy." Sagot namin.
"No no no. Simula ngayon just call me Teddy. Got it?"
"Yes Teddy!"
"Ako din ha wala nang miss. Aiselle na lang. Galingan niyo guys."
"Yes Aiselle!"
Pumunta na sila sa labas dahil pupuwesto daw sila para mapanood kami ng maayos.
Eksaktong 7:59 ay nagoff na ang ilaw sa labas.
Pumuwesto na kami.
Grabe talaga yung puso ko!
Si Chelsea ang unang rarampa.
Sobrang ganda at sexy niya naman kasi talaga!
Pang-anim ako sa mga lalabas.
Nagsimula na ang kantang Sparkling Diamonds tapos Rhythm of the night naman after.
Naglakd na palabas si Chelsea.
Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao.
Napalunok ako.
Pangatlo si Janice.
Lumabas na si Niko.
Huminga ako ng malalim.
Ngumiti at nagsimula nang maglakad palabas.
Ramdam ko ang mata ng lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.