Nights with Mister Ten - 27

23 0 0
                                    

Si Karina:

Hindi ko alam saan ako papunta basta naglakad lang ako palayo.

Ayokong lumingon dahil natatakot akong harapin si Ino.

Nabigla ako nang may humila sa braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Karina. It's me."

Humarap ako kay Richie.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.

Tinanggal niya ang coat niya at pinatong ito sa ulo ko para walang makakita sa akin.

Agad niyang tinawag ang driver niya at maya maya ay dumating na sa harapan namin yung sasakyan niya.

Agad niya akong pinasakay at tumakbo naman siya sa kabilang side para sumakay.

"Let's go."

"Where to sir?" Tanong ng driver.

"Just drive us out of here."

"Yes sir."

Inalis ko na yung coat sa ulo ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Sorry. Hindi dapat ako nagkakaganito."

"It's okay Karina. Just let it out. I'm sorry for taking you here."

Umiling ako.

"Atleast malinaw na sa akin kung bakit ayaw sa akin ni Ino."

"Ino likes you. It's just that he needs Dannie."

Tumango ako.

Ayaw parin tumigil ng mga luha ko.

Bakit ba ako nagkagusto kay Ino!?!?

Bakit ba nakikala ko pa siya!?!?

Kinomfort lang ako ni Richie.

Hinayaan niya lang ako na umiyak.

———

Si Henry:

Hindi ako nakatulog kagabi.

Hindi maprocess ng utak ko lahat ng nangyari.

I just can't understand why ate Rafa likes me.

Huminga ako ng malalim at sumakay na sa sasakyan.

Pupunta na muna ako sa apartment namin nila Niko.

Paglabas ng sasakyan ko sa gate ay nakita kong tumatawag si Poch.

Nakalagay yung phone ko sa holder kaya pinindot ko nalang ito at nilagay sa speaker dahil nga nagdadrive ako.

Poch: Henry! Dannie just called Andrea. Ino is looking for Richie and he is very angry. Can you go and stop him? I'm on my way to Richie's house to warn him.

Henry: shit! Okay. I'll go to his house now.

Poch: thanks man!

Nagend na yung call.

Ino is different when he is angry.

Uulitin ko.

Nakakatakot kalaban si Ino.

Nagmadali na akong pumunta sa bahay niya.

Pinagbuksan nila ako ng pinto dahil kilala naman nila ako pero pinigilan ko sila.

Tinanong ko muna kung andon ba si Ino.

Sabi nila kalalabas lang daw ng sasakyan niya.

Tinawagan ko si Poch at hiningi ang address ni Richie.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon