Nights with Mister Ten - 43

21 1 0
                                    

Si Karina:

Andito parin ako sa bahay nila Aiselle.

Hindi naman nila ako pinapaalis pero alam kong naaabala ko sila.

Binigay din kasi sa akin ni Chelsea ang kwarto niya at madalas ay sa sala sa baba siya natutulog kasama si Niko.

Sinisigurado din nila na kumakain ako ng masustansya kaya panay ang bili ng nila ng prutas at gulay.

Tapos ang niluluto nila ay healthy na mga dish din.

Sobrang naaappreciate ko sila pero nahihiya na ako.

Ayoko namang umuwi pa sa amin.

Gusto ko munang mafigure out ang gagawin ko sa buhay ko bago ako uuwi sa amin.

Sabi ni Ino ay magpapadala siya ng mga tao niya para sa akin.

Pero paano kung hindi kay Ino ang dinadala ko?

Iiwanan niya lang ba ako?

Pero ngayon pa lang ay hindi ko naman na siya puedeng makasama.

Sa totoo lang naguguluhan ako kah Ino.

Tinanggap ko nang makakasama ko lang siya sa Pensèe kaya hindi ko maintindihan bakit niya ginawa ito.

"Karina okay ka lang?"

Agad akong nagpunas ng mga luha nang marinig ko si Aiselle.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Okay lang ako."

Binitawan na ako ni Aiselle.

"Mabuti pa maupo ka muna Karina. Ako na ang magsasaing."

"Aah hindi ako na. Kaya ko naman itong gawin."

"Aah sige."

Nagsaing na ako at si Aiselle naman ang nagluto ng egg drop soup.

Nilagyan niya ito ng maraming gulay para sa akin.

Maya maya ay gumising na rin si Chelsea at sabay sabay na kaming kumain.

Nang matapos kami ay dumating naman sila Gina at Poch.

May dala silang prutas.

Hinatid lang ni Poch si Gina kaya umalis din siya kaagad.

Pagbalik nga ni Gina sa loob y hindi maipinta ang mukha niya.

Naguluhan kami nil Aiselle pero napatingin kami sa lalakeng nasa likuran niya.

"Ate Karina!!!!"

Nabigla pa ako nang makita ko sila Hailey at Harris.

Nasa likuran ni Gina si Harold na may dalang bulaklak.

Agad akong lumuhod at niyakap sila Hailey.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"I wanted to see you ate." Sabi ni Harris.

"Me too ate." Dagdag ni Hailey.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kanila.

Napatingin ako kay Harold.

"I just wanted to see you."

Napatingin naman ako kay Gina na napakasama ng tingin kay Harold.

Huminga siya ng malalim.

"Hi kids. Gusto niyong manood ng TV para makapag-usap ang daddy at ate Karina niyo?"

"Can we dad?" Hailey

"Go ahead."

Lumapit din sila Aiselle.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon