Nights with Mister Ten - 23

25 0 0
                                    


Si Karina:

Kumain kaming lahat pero wala kaming mga gana.

Wala ding nagsasalita sa amin masyado kaya naman saglit lang kami at nagsiuwi din kami.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan kong nag-aayos ng paninda sila kuya at si Faye.

Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa trabaho ko nung nakita ako ni Faye.

Hindi ako makatiyempo at sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Nakatulog naman ako pero inaantok parin ako pag-uwi ko.

Pinigilan kong matulog para tulog ako ng gabi.

Dalawang araw din akong tatambay sa bahay.

Ano kayang gagawin ko!?!

Nag-ayos nalang ako ng kwarto.

Pinaliguan ko yung mga kambal.

Tapos ay naglinis ako sa labas.

"Ang sipag mo ah." Pang-aasar ni ate.

"Ganon talaga."

"Hindi ka matutulog? May pasok ka pa mamaya diba?"

"Aah day off ako ng 2 days eh."

"Mabuti naman para makapagpahinga ka. Tsaka hindi ka na nararamdaman dito sa bahay. Hindi ka na nga ata kilala nila Carla!"

"Grabe. Busy lang talaga sa trabaho ate."

"Okay."

"Nga pala ate. Gusto niyong magmall bukas? Bilhan natin ng mga gamit sa school yung mga kambal."

"Pero gastos lang yun Karina."

"Okay lang yun ate. Minsan lang naman tayo lumabas."

"Ikaw ang bahala. Sasabihan ko nalang din sila nanay."

"Sige ate."

Nagpakabusy ako sa mini garden sa likod ng bahay.

Nagtanim ng gulay sila nanay para makatipid kami.

May mga bulaklak naman sa harap kaya nilinis ko ang lahat.

Inabot na ako ng gabi!

Nagbihis na ako at sabay sabay kaming kumain ng dinner.

Grabe hindi ko na maalala kelan ang huling beses na nakasama ko silang kumain ng ganito.

Ang sayang makipagkwentuhan sa lahat.

After kumain ay kami ni Faye ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin.

Lalabas sana ako para magpahangin pero bigla akong tinawag ni kuya Rico.

"Karina! Dalian mo! Dali!"

Napatakbo tuloy ako malapit sa TV.

"Ano ba yun kuya?!"

"Tignan mo yung balita."

Kumabog ang puso ko dahil akala ko tungkol sa Pensèe yung sinasabi ni kuya pero si Ino ang nakita ko sa TV.

Reporter: How does it feel to be the new President of San Ramon Group?

Ino: I'm very happy of course. The voting ended earlier than expected so it was quite a shock to receive the news earlier today.

Reporter: Were you expecting this since of course you're the son of the previous President?

Ino: Well my dad believes that for you to really understand this company is that you have to work from the bottom then up. No special treatments. All shareholders were given a chance of course and we all really fought hard for the position.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon