Nights with Mister Ten - 42

22 0 0
                                    


Si Chelsea:

Tinawagan kami ni Gina dahil nasa hospital daw si Karina.

Hinimatay daw siya kahapon at buntis siya.

Hindi namin alam paano eh may contraceptives kami sa Pensèe.

Nagkausao kaming lahat na nagkita kita at dalawin si Karina.

Pupunta din daw si Henry kaya naman hinintay na lng namin siya ni Aiselle dahil dadaanan niya na lang daw kami.

Ang hirap na kami yung nga kaibigan na walang sasakyan!

Well si Trixie din naman wala pero ayaw niyang sumabay kay Henry kaya si Niko nalang ang susundo sa kanya.

Sa cafe dapat kami magkikita kita pero nagdecide kaming sa hospital na lang dahil malelate ng dating si Henry.

Pagdating namin doon ay nagkita muna kaming lahat sa lobby bago pumunta sa room ni Karina.

Ang dami naman kaya hindi sana kami papayagan pero inallow kami ng doktor ni Karina.

Pagpasok namin ay nandoon ang kuya niya.

"Aah pasok kayo."

"Salamat po."

Ngumiti si Karina pagkakita sa amin.

"Uhhh Gina."

"Hi Rico."

Napatingin kami sa kanilang dalawa.

Buti na lang at wala si Poch pero aning meron?!?

"Lalaba na muna ako."

"Salamat kuya."

Niyakap namin si Karina.

"Okay ka na?" Trixie

"Oo. Napagod lng siguro ako kahapon."

"Hmmm...sorry Karina pero sinabi ko na sa kanila."

"Okay lang yun Gina."

"Naisip ko kasing mas alam nila ang sasabihin para sayo."

"Sasabihin?"

"Oo. Si Bea may mga anak na siya kaya mas magaguide ka niya."

Natawa ako.

"Wag kang magpanic para sa akin. Okay lang ako."

"Basta kung may tanong ka Karina andito lang ako." Bea

"Wala man akong matress ay susuportahan kita." Rein

"Kay Ino ba ang dinadala mo?"

Napatingin silang lahat kay Janice.

Ako naman kay Henry.

"Hmmm..sa totoo lang hindi ko alam."

"Why don't you do DNA testing? Puede na yun next month."

"Huy Henry!" Chelsea

"I have to be honest with you guys. Gusto ko ring malaman dahil involved dito si kuya."

"Sabagay." Liam

"Sa tingin ko din dapat kong gawin yun. Gusto ko ding malaman."

"Alam na ba ni Ino?" Trixie

Umiling ako.

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin o hindi. Isa pa wala akong number ni Ino."

Nasapo ni Gina ang noo niya.

"Sa kweba ka nga pala nakatira."

"Kung gusto mong makausap si Ino ayan si Henry oh." Niko

"Pero dapat ko bang sabihin sa kanya? May asawa na siya."

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon