Nights with Mister Ten - 33

13 0 0
                                    

Si Karina:

Hinatid ako ni Richie sa bahay.

Hiyang hiya ako sa kanya dahil nakita niyang tumakbo ako kay Ino.

Hindi ko naman sinasadya.

Nawala na ako sa sarili ko at napatakbo nalang ako nang makita ko si Ino.

"Thank you ulit Richie at sorry talaga."

"It's okay Karina. Don't be sorry."

Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba na ako.

Pinanood ko siyang bumalik sa sasakyan niya at inantay kong makalayo siya.

Kakatok palang sana ako pero biglang bumukas yung gate.

Mukhang inaabangan ako ni kuya Rico.

"Inumaga ka na."

"Madaming nangyari kuya."

"Sana nagsasabi ka kung uuwi ka o hindi."

Bigla nanamang tumulo ang mga luha ko.

"Karina? Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Pumasok ka muna dito."

Pumasok na ako sa gate.

"Walang ginawa si Richie. Natakot lang ako kuya."

"Saan? Ano bang nangyari?"

Sasabihin ko na sana ang lahat pero naisip ko na baka hindi na ako payagan ni kuya na lumabas o baka magbago ang tingin niya kay Richie.

"Sumakay kami ng helicopter kuya. First time kong sumakay don at natakot ako."

"Ha? Yun lang?"

"Oo."

Napailing si kuya Rico.

Niyakap niya ako.

Alam kong hindi naniniwala si kuya pero hindi siya nagsalita.

Niyakap ko din si kuya.

Kahit papaano ay kumalma na ako.

———

Ayokong ipahalata sa bahay na may nangyari kaya naman umalis parin ako at pumunta sa Pensèe na parang wala lang.

Nagkakagulo ang mga tao pagpasok ko ng fitting room.

Nagwawala ang isa sa mga fantasy na si Jenny.

Namumula siya at mukhang lasing na lasing.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at lumapit siya sa akin.

Sinampal niya ako.

Nabigla ako sa ginawa niya.

"Ikaw! Isa ka pa! Lahat ng client dito ikaw ang gusto! Tapos malaman laman ko na ang unang tumikim sayo ay si mister 10 na patay na patay ka! Napakaswerte mo dahil yung mga lalakeng gumagalaw sayo ay mga gusto mo! Alam mo ba gaano kahirap sikmurain na galawin ka ng mga kadiring lalake na yun!?!?"

"Jenny wag mo ilabas ang galit mo kay Karina!"

"Totoo naman ang sinasabi ko! Lahat kayo yan ang iniisip sa kanya! Napaka unfair ng mundong to!"

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil totoo naman ang sinasabi niya.

"Pati nga si Teddy na ilag sa mga babae dito naakit mo! Gano kasarap bayang pekpek na yan!?!?"

Dinuduro duro niya ako at napaatras ako nang itulak niya ako.

"Sumagot ka Karina! Ano bang ginawa mo sa mga lalake ha!?!?"

Nakatingin silang lahat sa akin.

"Mukhang mabait at mahinhin ang mukha mo pero iba pala ang kati mo!"

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon