Nights with Mister Ten - 28

8 0 0
                                    

Si Janice:

Andito ako sa tapat ng bahay nila Liam.

Nagdadalawang isip ako kung bababa naba ako sa sasakyan o hindi.

Shit talaga.

Why the hell am I here!?!?

Haaayyyy

Andito na lang rin ako bababa na ako.

Pagbaba ko ng sasakyan ay eksakto namang lumabas si Liam at nagjogging.

Teka!!

Agad kong nilock yung sasakyan at napasunod ako sa kanya.

Ang bilis niya!

Buti nalang at naka rubber shoes ako!

Nakita ko siyang huminto.

Teka sino yung kasama niya?

Aah si Chelsea!

Hahabulin ko lang ang hininga ko at lalapit na ako sa kanila.

Ayokong malaman niyang sinundan ko siya.

Huminga ako ng malalim.

Teka.

Umurong palapit si Liam kay Chelsea.

Magkahawak sila ng kamay!

Teka anong nangyayari!?!?

Tumatawa din sila.

Sila ba!?!?

Well may karapatan namang maghanap ng iba si Liam.

Hindi kami.

Wala kaming label.

Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko.

Napangiti ako.

Oo nga naman.

Wala kaming label dahil ayoko.

Babalik na lang ako sa sasakyan.

————-

Si Chelsea:

Ilang araw na akong hindi pumapasok sa Pensèe.

Natatakot akong magkita ulit kami ni Clarence.

Yung mga emosyon na pilit kong tinatago noon ay pilit kumakawala ngayon.

Nagising nanaman ako na napanaginipan ko ang lahat ng nangyari.

Para akong nagreset.

Nasa step 1 nanaman ako sa pagbaon ng lahat ng nararamdaman ko.

Sinimulan ko na ang mga ginawa ko dati para makalimot.

Nagpakalasing ako at nagmarathon ng horror movies.

Nakatulog naman ako pero nagising ako ng madaling araw.

Nawala na ang pagkalasing ko.

Kailangan kong aliwin ang sarili ko kaya nagbihis na lang ako ng shirt at leggings.

Lumabas na ako para magjogging.

Hindi ko na napansin kung saan ako umabot basta nagjogging lang ako at umupo kung saan nang mapagod ako.

Umabot ako sa park at naupo ako samay hagdan.

Napatingin ako doon sa lalakeng nagjajogging din at palapit sa akin.

Teka.

Nagkatinginan kami.

Huminto siya sa harap ko.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon