Nights with Mister Ten - 25

18 0 0
                                    


Si Teddy:

Hinatid kami ni Henry pauwi sa bahay.

Ayaw pa kasi nila ako payagang magdrive.

Mas mahigpit pa sila sa doctor!

Pagod na pagod si Aiselle sa pagseserve kaya nakatulog agad siya paguwi namin.

Hindi ako makatulog kaya naman umupo na lang ako sa sala at nanood ng TV.

Mainit na topic parin ngayon ang tungkol kina Kiara at sa asawa niya.

Dahil nga hindi ako masyadong kumikilos ay nagkaroon ako ng oras para makapag-isip.

I guess nagbago talaga ang tingin ko kay Kiara simula nang malaman ko ang totoo.

I still don't like her for what she did to my mom but the fact that she took care of me also makes me feel...

I don't know.

Warm I guess.

Hindi ko siya matanggal sa isipan ko.

I badly want to see her.

I want to know if she's okay.

Haaaa.

What the hell is wrong with me!?!?

———

Si Trixie:

Sa wakas ay tatanggalin na ang cast ko.

Sinamahan ako ni Henry para daw hindi na ako mahirapan magcommute.

Tuwang tuwa tuloy sila mama nang sunduin niya ako sa bahay.

Jusko!

Pagdating namin sa hospital ay inasikaso agad nila ako.

Feeling ko talaga dahil kay Henry kaya todo asikaso sila sa akin.

Kinikilig din ang ilang nurse sa kanya.

Gwapo nga naman kasi talaga ang mokong na to.

Inasikaso na ni Henry ang mga paperwork habang tinatanggal ang cast ng kamay ko.

"Ang swerte niyo naman sa asawa niyo ma'am. Ang pogi na ang asikaso pa."

"Oo nga ate eh."

Natatawang sagot ko.

"Ayan ma'am okay napo."

"Sa wakas makakaligo na ako ng maayos!"

"Tsaka ma'am malalambing niyo na ulit ang asawa niyo."

"Tama ka jan ate."

"Halika na asawa ko."

Napatingin ako kay Henry.

Narinig niya pala!

Nakakahiya!

Lumapit sakin si Henry pero medyo lumayo ako.

"Bakit?"

"Pakiramdam ko kasi ang lagkit at ang baho ko."

"Okay lang yan asawa ko."

Inakbayan niya ako.

Natawa sila ateng nurse.

Nagpaalam na kami at naglakad palayo sa kanila.

Tumawa kami ni Henry pagkaliko namin.

Grabe yung tawa naming dalawa halos maluha na ako kakatawa.

"Trixie?"

Napatigil kami bigla ni Henry.

Yung boses na yun.

Napatingin ako sa lalakeng naglalakad palapit sa amin.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon