Si Karina:
Dalawang araw pa akong nagstay sa bahay ni Henry.
Grabe ang pagkabusy niya!
Andami ko ring natutunan sa kanya.
Inaasar nga lang ako nila Gina dahil hinahatid niya ako papunta sa Pensèe.
Ramdam ko parin ang tingin ng mga tao sa akin.
Nagpapasalamat talaga ako kina Rein, gina at Aiselle na lagi nila akong dinidikitan kapag andito ako.
Ang bilis na lumipas ng araw at unti-unti naring humupa ang issue sa akin ng mga tao.
Isa pa nagsorry narin sa akin si Jenny.
Nagalit nga sa akin si Gina na tinanggap ko ang sorry niya.
Totoo naman ang mga sinabi niya tsaka frustrated si Jenny ng mga panahon na yun kaya niya nagawang maglasing at awayin ako.
Wala akong pasok sa Pensèe ngayon.
Pinag day off ako ni mama Luna.
Nag-aya din sila Teddy na tumambay.
Wala silang mga booking kaya naman pumunta kami sa bahay nila Niko.
Sobrang kulit ng lahat.
Alam ko naman ang totoong rason bakit nila ginagawa to.
Ayokong sirain ang mood ng lahat pero hindi ko na kaya ang pagpapanggap nila.
"Uhm guys."
Napatigil sila at napatingin sa akin.
"Alam kong kasal ni Ino ngayon kaya niyo ginagawa to. Thank you pero okay lang ako."
Nginitian ko sila pero hindi ko napigilan ang mga luha na bumagsak.
Niyakap ako ni Gina.
Mas lalo tuloy akong naiyak.
Alam ko naman na magkaiba talaga ang mundo namin ni Ino.
Alam ko naman yun!
Ang hirap lang tanggapin!
Binuksan na ni Niko yung TV sa bahay nila.
Binabalita kasi yung kasal ni Ino.
Sobrang daming VIP at syempre parehong mayayaman na mga tao ang ikakasal.
Yakap lang ako ni Gina habang binabalita ang lahat sa TV.
Sobrang engrande ng kasal ni Ino.
8 million pesos nga ang presyo ng cake nila!
Kung sakali bang nagkatuluyan kami ni Ino ay ganito din ba ang kasal namin?
Mahirap lang ako.
Isa pa isa lang akong fantasy.
Hindi ako bagay kay Ino.
———-
Si Gina:
Hindi ko alam bakit gustong panoorin ni Karina ang mga balita tungkol sa kasal ni Ino!
Minsan gusto kong kutusan tong babaeng to!
Pinapakita ang mga bisita na dumalo.
"Ay ang pogi ni Henry oh! Best man!" Rein
"Oo nga!" Trixie
"Si Richie din!" Bea
Kinocomfort ko si Karina pero hindi naiwasang mahagip ng mga mata ko si Poch.
"Ay si Poch oh!" Sabi ni Chelsea sabay tingin sakin.
Natawa na lang ako.
"Oo nakita ko din."
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.