Si Chelsea:
Pauwi na kami ni Aiselle nang biglang may humintong sasakyan sa tapat namin.
Pagbaba ng bintana ay nasa loob si Clarence.
"Clarence?"
"Chelsea! Aaah napadaan ako dito tapos nakita kita."
"Hmmm..yung totoo?!?"
"Aaah oo na. Pinuntahan talaga kita."
"May kailangan ka ba?"
"Uhmm..puede ba tayong mag-usap?"
Napatingin ako kay Aiselle.
"Gusto mo ba akong sumama o kayo na lang?"
"Aaahmmm okay lang bang mauna ka nang umuwi Aiselle?"
"Okay. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka."
"Salamat."
Binuksan ni Clarence yung pinto at sumakay na ako.
Umalis na kami.
"Ahmm ano yung gusto mong pag-usapan?"
Ginilid niya yung sasakyan at pumarada siya.
"Chelsea. Alam ko mabigat ang kasalanan ko sayo at sa totoo lang hindi ko deserve na sabihin to sayo."
"Aaahh..alin?"
"Simula pa noon hanggang ngayon ay ikaw ang gusto ko Chelsea. Hindi nawala at hindi nagbago yun. Akala ko kaya na kitang pakawalan dahil nagkita na tayo at nakapag-usap pero hindi ko kaya Chelsea. Ikaw parin ang gusto ko. Sinubukan kong lumayo sayo pero hindi ko na kaya. Gusto kita Chelsea."
Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Clarence.
"Puede ba kitang ligawan Chelsea?"
"Teka. As in teka lang Clarence. Baka nabibigla ka lang dahil may nangyari sa atin? Baka libog lang yan."
"Alam kong mahirap para sayo na maniwala at magtiwala sa akin pero ito ang totoong nararamdaman ko. Simula noon hanggang ngayon."
"Pero Clarence hindi ganon kadali yun. Oo okay na ako. Oo hindi na katulad ng dati pero hindi mo mabubura sa akin ang ginawa mo. Sorrh Clarence pero hindi ko matatanggap to."
Binukan ko na yung pinto ng sasakyan niya.
Bababa na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Give me a chance Chelsea. Let me court you."
"Bitawan mo ako Clarence."
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Hindi na. Kaya kong umuwi mag-isa."
Binitawan na niya ako at bumaba ako.
Nagmadali na akong sumakay sa taxi na dumaan.
Sinandal ko ang ulo ko sa bintana.
Tumulo na ang mga luha ko.
Naguguluhan ako sa nararamamdan ko.
————
Si Karina:
Pinatahan ko muna si Gina pagpasok namin sa bahay.
Binigyan agad siya ni nanay ng tubig.
Nagulat din sila kuya at Faye nang makita si Gina sa sala namin.
"Gusto mo sa taas muna tayo Gina?"
"Aaah sige. Sure ako wala ka oang tulog. Pasensya na rin po tita at nang-aabala ako dito."

BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.