After magamot ng mga sugat ko ay pinapasok ako sa office ni mama Luna.Akala ko papagalitan niya ako pero pinaupo niya lang ako sa couch doon.
"Pensèe is a very exclusive club for the high profiled clients. Tayo ang namimili ng kliyente hindi tayo ang pinipili. Pumupunta sila dito para magrelease ng tension. To fulfill their needs thru sex and entertainment. Kaya mo bang gawin yun?"
Tumango ako kahit hindi ko naintindihan yung iba.
"Secrecy is very crucial here. One word from you and you don't know what I will do to you. You can leave Pensèe anytime you want but it's up to me to accept you or not kapag naisipan mong bumalik. I can also fire you kapag may ginawa kang labag sa house rules. Kuha mo?"
"Aaah opo."
Ano daw?
"Sigurado ka na ba na papasok ka dito?"
"Opo."
"Well then Lanie will give you the contract. You are now one of the fantasies of Pensèe."
"Fantasy?"
"Yes. Fantasy ang tawag sa mga escort dito."
"Aaahh opo
"Go to Lanie."
Tumayo na ako.
"Salamat po."
Lumabas na ako ng room.
May pinapirmahan sa akin na kontrata tapos binigay din ni Lanie ang listahan ng mga kailangan kong gawin at pinauwi muna nila ako.
Kinapalan ko ang mukha ko at umutang ako kay Anne ng kahit 1,000 para may maibili ako ng pagkain.
Nakakahiya talaga ang ginawa ko pero pumayag naman siya.
Pagbalik ko sa lumang gusali ay nadatnan ko sila na kumakain ng tinapay.
Wala nga lang sila tatay at kuya Rico.
Buti na lang at naisipan kong bumili ng pansit kaya may pandagdag kami na pagkain.
"Saan ka ba galing Karina?"
"May trabaho na ako nay."
"Anong trabaho mo?" Tanong ni ate.
"Waitress."
"Okay na yun."
"Baka puwede din akong pumasok diyan."
"Hindi puede kuya Jeko!"
Alam ko marami pa silang gustong itanong pero ginawa ko ang lahat para umiwas.
Paano ko naman sasabihing escort ako!?!?
Hapon na nang bumalik sila tatay.
Napakiusapan nila yung may-ari ng pinagtatrabahuan ni tatay na bukid na doon muna kami tumira.
May maliit na kubo kasi doon kung saan sila nagiimbak ng mais dati. Puede daw naming gamitin yon at nangako naman si tatay na tutulong din kami sa mga gawain doon.
Mas mapapalayo nga lang ako sa trabaho ko pero okay na yun kesa manatili kami dito.
Agad na kaming nag-ayos at umalis.
Pagdating namin doon ay binaba ko lang ang mga gamit namin at nagpaalam na ako.
Sinigurado ko munang okay na ang lahat bago ako bumyahe.
Binigay pa nga sakin ni kuya Rico yung cellphone niya para daw makontak nila ako.
Nagtira talaga ako ng pamasahe ngayon para makabalik ako.
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.