Si Aiselle:Andito parin ako sa bahay ni Teddy.
Nakikishare na nga ako sa bills so para na kaming housemates.
Katatapos lang namin magdinner.
Pareho kaming bagsak kaninang umaga dala ng pagod sa pagtulong sa bar kagabi.
Nakasalampak ako sa couch at nanonood ng TV.
Nasa labas si Teddy at nag-iinom.
Malamang nababother parin yun dahil nga naman bigla na lang kinuha ni mister 10 si Karina kanina.
Speaking of which.
I heard nagawa ni Karina ang task ni mister 10.
It was something I couldn't do back then.
I guess this time may effect dahil nga mukhang may something siya para kay Karina.
Haaay ang mga tao sa paligid ko inlove!
Samantalang ako eto broken hearted!
Tinigil ko na yung paglilipat ng channel.
Kukuha sana ako ng beer pero napatigil ako nang makita ko ang balita.
"Teddy!!!"
"Ano?"
"Basta!! Dali!"
Pumasok si Teddy.
Nasa balita ngayon ang divorce ni senator Kiara sa asawa niya.
Psychological incapacity at fraud ang nakalagay na rason.
Napatingin ako kay Teddy.
Hindi siya nagulat.
It's like he is expecting it.
"May alam ka dito no?"
"In a way yes."
"Don't tell me you plan to be with her!?!"
"No. I don't."
Lumabas na ulit si Teddy.
Pakiramdam ko ginawa ni senator Kiara to para makasama si Teddy.
Pero ang laking backlash nito sa kanya.
Magulo ang politics dito.
Tapos sasamahan mo pa ng personal issues at chismis?!?
Nako.
Sana lang hindi madamay sa gulo na ito si Teddy.
Tumayo na ako sa couch at lumabas.
"Tara date tayo Teddy."
"Ha!??"
Lumapit ako sa kanya at hinila siya sa kamay.
"Dali na!! Magbihis kana tapos lalabas tayo."
"Come on Aiselle. Late na."
"Bata ka!?!?"
Huminga siya ng malalim.
"Umupo ka na lang dito at uminom."
Sabi niya sabay turo sa katabi niyang upuan.
Sumuko na ako.
Umupo na lang ako at nagbukas ng beer.
"Do you have feelings for senator Kiara?"
"No! Hell no."
"Hmmm talaga?"
"Of course."
"You begged mama Luna to be her private booking. You refused to be booked by others after that. Akala ko noon controlling siya pero parang ikaw ang in control."

BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.