Si Karina:"Anong ginagawa mo dito!?!"
"I can't hear you! Let's go inside!"
Sobrang lakas ng ulan.
Lumapit na samin yung ilang guards niya at pinayungan kami.
Sumama ako sa kanya papasok ng hotel.
Agad na may kumuha ng payong niya at inabutan siya ng towel.
Nabasa pala yung balikat niya.
"Sorry."
"It's okay Karina."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."
"Diba nasa Europe ka?"
"I just had business there. Natapos ko na."
"Aah akala ko doon ka na talaga."
Natawa siya.
"Ikaw what brought you here?"
"Ah nagkape lang."
"I see."
Hindi ako makatingin sa kanya.
Naging tahimik kami ng ilang segundo.
"Uhmm paalis na rin kasi ako. Nice seeing you again Ino."
"Aah...okay. Magdala ka ng payong."
"Hindi...AAAAHHHHH."
Biglang namatay ang mga ilaw.
Nag-on din naman yung emergency light pero nabigla parin ako.
Nagpanic ang mga tao kaya pinakalma sila ng mga staff.
Bigla ding bumukas yung pinto.
May tumakbong guard para isara ito.
May lumapit din sa amin na mga guard at pinalibutan si Ino.
Protocol siguro ito dahil nga madilim din.
"May bumagsak na puno sa electricity wires. Sobrang lakas ng hangin sa labas sir."
"Ion niyo na agad ang generators!"
"Yes sir."
Humarap sakin si Ino.
"You should stay Karina. Bumabagyo na."
"Aahh pero.."
"It's not safe for you to go out."
Hindi na ako umangal pa.
Maya maya ay may ilaw na ulit.
"Come on."
Sumunod ako kay Ino.
Lumayo narin ang mga guard niya.
Pumunta kami sa receptionist.
"Do we still have a room?"
"Unfortunately we're fully booked sir. May event po kasi si Mayor Aresta."
"Okay. Prepare my suite then."
"Right away sir."
Hinawakan ko yung dulo ng polo ni Ino at hinigit ito ng konti.
Napatingin siya sakin.
"Magbabayad na lang ako."
"You don't have to."
"Pero.."
"It's okay Karina."
Tumango na lang ako.
"Sir Ino. Your suite is ready."

BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.