Normal dito sa Pensèe na nakaoutfit pa ang mga tao kapag pumupunta sa cafeteria.Hindi na ako nagbihis.
Paggising ko kasi wala naman na si mister 10.
Nag-iwan lang siya ng note card na may nakalagay na
Best massage I've ever had.
Parang ayaw ko pa nga maniwalang sulat niya.
Ang ayos kasi.
Sila kuya kasi ang papangit ng sulat.
Anyway.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pero hindi ko sila pinansin.
Nakita ko Aiselle at doc Nikka kaya naman tumabi ako sa kanila pagkakuha ko ng food.
Sumubo agad ako ng arroz caldo kaso ang init kaya niluwa ko ulit.
"Ano ba yan Karina!" Natatawang sabi ni Chelsea pagkaupo niya sa tabi ko.
"Ang init eh!"
"So anong nangyari?"
Tanong ni Anne na kakaupo lang din.
Nakaabang silang lahat.
"Alam niyo..."
Naalala ko bigla yung pinirmahan ko.
"ang aga aga ang chismosa niyo!"
"Korny mo Karina." Chelsea
"Kain na tayo. Gutom na ako."
Ramdam ko parin ang tingin ng mga tao.
Naririnig ko pa nga yung iba na pinaguusapan talaga ako.
"Ikaw Chelsea anong nangyari sa booking mo?" Tanong ni Anne.
"Ayun naexcite masyado si lolo eh dibdib ko palang ang nahawakan nahilo! Nahigh blood!"
Nasapo ni Chelsea yung noo niya.
Tawa naman ng tawa sila Aiselle ay doc Nikka.
Napapailing na lang ako sa kanila.
After kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila.
Nag-aaya pa silang tumambay pero sabi ko hindi ako puede.
Birthday kasi ni nanay bukas at tutulungan ko sila ate na maghanda.
Bumili muna ako ng cake bago umuwi.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko silang nagmimiryenda na.
Si ate busy sa paghawak sa tiyan ni Faye.
Gumagalaw daw kasi yung bata.
Pinalapit niya ako at pinahawakan din yung tiyan ni Faye.
Ang weird ng pakiramdam!
Magbibihis na sana ako nang lapitan ako ni kuya.
Nanghihiram siya ng pera para daw sana sa pangcheck up ni Faye.
2 thousand lang yung nawithdraw ko kaya yun na lang ang binigay ko sa kanya.
Andon narin naman silang lahat kaya sinabi ko nang magbihis sila ng maganda bukas dahil nga pupunta kami sa hotel para kumain ng masarap.
"Pero yung bukid.."
"Ops tatay nakausap ko napo si mang Pete. Naipaalam ko napo kayo."
Natawa si tatay kasi ang confident daw ng pagkakasabi ko.
"Basta lahat po bukas ha!"
Alam naman nilang kumikita ako sa trabaho ko.
Buti na nga lang at hindi na sila nagtatanong masyado kung ano ba talaga ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.