Si Rein:Pagkabalik ko ay may booking agad ako.
Hindi ko na nga natanong si Anne sa details.
Late kasi akong nagising kaya todo madali na ako.
Pagbukas ko ng locker ay may dress sa loob.
Kinuha ko na lang ito.
Sinuot ko nalang yung dress sa labas ng pintuan ng room.
Ano kayang trip nitong nagbook na ito?
Binuksan ko na yung pinto.
Narinig ko agad na tumawa siya pagpasok ko.
Grabe ang tawa niya halos maluha luha pa siya!
Si Doc Daniel!
"You look nice."
"Kaya tawang tawa ka?"
"Ito naman. Di na mabiro!"
Lumapit ako sa kanya.
Nakaupo kasi siya samay dining.
"Have a seat."
Umupo na ako sa katapat niyang upuan.
"Kain na tayo. Gutom na ako."
"Aah okay."
Kumain nga kaming dalawa.
"Mukhang tan ang balat mo. Nagdagat ka?"
"Oo. Naenjoy ko masyado nasunog tuloy ako. Galit na galit nga si mama Luna."
Gusto na nga kaming ipakuskos para bumalik ang kulay namin.
Kina Chelsea at Karina lang ata siya hindi nagalit dahil bagay kay Chelsea ang tan.
Si Karina naman hindi nangitim.
"Pero bagay sayo."
"Talaga?"
"Yes."
Kumain na ako ng pasta.
"Favorite mo ang Italian food noh?"
"Napansin mo pala?"
"Oo. Ito din yung food sa bahay mo eh."
"Speaking of which saan ka nakatira ngayon?"
"Aah sa bahay na inuupahan ng mga kasama ko dito."
"I see. Siguro naman hindi na pumapasok sa isip mo ang pagpapa sex change?"
"Hindi naman na. Tama ka at ang mga kaibigan ko na mali yung desiyon ko."
"Eh yung ex mo naiisip mo pa?"
"Hindi na! Magsama sila nung kasama niyang hipon!"
"Hipon?"
"Oo. Tapon ulo katawan lang ang kinakain!"
Tawang tawa si Doc.
Naluluha nanaman siya kakatawa.
Nirolyo ko yung tissue at hinagis sa kanya.
"Sorry. Eto na titigil na ako."
Huminga siya ng malalim.
"Why are you eating so little?" Tanong niya.
"Eh kasi mamaya.."
"Oooh. Eat as much as you want. We can do other stuff naman."
"Pero.."
"Just do as I say."
Sabi niya eh edi sinunod ko na lang.
Lumamon ako!

BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.