Si Karina:Ang bilis ng mga pangyayari.
Inayos muna namin nila Teddy at Aiselle yung bill sa videoke at paglabas namin ay nagkakagulo na sila.
Tumawag agad si Liam ng ambulansya.
Sila Niko at Henry naman ay agad na tumakbo palapit kay Trixie.
Pinigilan sila ni Gina na galawin agad siya dahil nga baka mas may magalaw sila sa katawan ni Trixie.
Wala na siyang malay.
Sinugod din ni Henry yung driver ng sasakyan.
Sa sobrang taranta naming lahat ay hindi namin alam ang gagawin.
Buti at dumating agad yung ambulansya.
Sila Liam at Janice na ang sumakay sa ambulansya kasama si Trixie.
Sumakay naman kami sa sasakyan nila Teddy at Henry at sumunod.
Dinala agad si Trixie sa emergency room at bawal kaming pumasok.
Nasa waiting area lang kaming lahat.
Magkakatabi kami ng upuan nila Bea, Gina, Janice, Liam, Niko at Aiselle.
Si Rein nasa isang gilid.
Nasa prisinto sila Teddy at Henry dahil tinangkang tumakas nung nakabangga kay Trixie.
Biglang tumayo si Janice ta pinuntahan si Rein.
"Alam mo dala to ng kaartehan mo! Ng kabaklaan mo! Kapag may nangyaring masama kay Trixie.."
Pinigilan siya ni Liam.
"Tama na."
Huminga ng malalim si Janice at naglakad palayo.
Sinundan siya ni Liam.
Hinawakan ni Gina ang kamay ko.
"Magiging okay din si Trixie."
Tumango ako.
Walang kumakausap sa amin kay Rein kahit iyak na siya ng iyak doon sa gilid.
Masakit yung sinabi niya samin.
Alam kong maaayos din namin lahat ito pero si Trixie muna ang inaalala namin ngayon.
Pagbalik nila Liam at Janice ay may dala silang tubig para sa amin.
Inabot nila ito sa amin.
Nakita kong may hawak pa si Liam na isa.
Tumingin siya sa akin.
Ewan ko pero nagkaintindihan naman kami.
Kinuha ko ito sa kanya at dinala ko kay Rein.
Umupo ako sa tabi niya.
Inabot ko yung tubig.
Nagulat siya.
"Sorry Karina. Hindi ko minimean yung sinabi ko sayo kanina."
"Alam ko naman yun. Uminom ka muna. Baka maubos yung tubig sa katawan mo."
Kinuha niya yung tubig at binuksan ito.
"Aksidente ang nangyari."
"Pero kung hindi sana ako lumabas edi sana hindi nagkaganyan si Trixie."
"Wag mong isipin yun. Sure ako yun din ang nasa isip ni Trixie. Tahan na."
Tumango si Rein at uminom ng tubig.
"Salamat Karina ha."
"Wala yun."
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.