Si Karina:
Schedule ko na ngayon na magpawax at salon.
Hindi ko naman pinapabago ang hairstyle ko basta nagpapatrim lang ako.
After kong iwax ay dumiretso na ako sa spa.
Grabe ata ang paghilod at pagpapakinis nila sakin ngayon.
Umuwi ako na pagod na pagod dahil feeling ko natanggal na nila yung unang layer ng balat ko.
Wala tuloy akong ibang ginawa kundi ang magpahinga.
Pagdating ko sa Pensèe ay parang ang tahimik.
Ewan ko pero parang wala masyadong tao.
"Karina! Andiyan na ang booking mo. Nasa bar."
Sabi ni Anne paglapit ko.
Napalunok ako.
Kumakabog ang dibdib ko.
"May request ba siya?"
"Meron!"
Inabot na ni Anne yung susi ng locker.
"Thank you."
Naglakad na ako papunta sa fitting room.
Bawat yapak ng mga paa ko ay pakiramdam ko mabigat.
Binuksan ko na yung locker.
May dress sa loob.
Kinuha ko na ito at nagbihis.
Inayos ko na rin ang sarili ko.
Lumalakas lalo ang kabog ng puso ko habang papalapit ako sa pinto ng EMA.
Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang pinto.
Pagpasok ko ay walang tao at napakatahimik.
Nakapatay din ang mga ilaw.
Tanging yung spotlight lang samay stage ang nakabukas.
Asan sila?
Naglakad na ako papasok.
Walang tao sa mga balcony, sa bar, sa tables, sa lahat!
Naglakad na ako papunta samay stage.
Paghinto ko sa dulo nito ay biglang bumukas ang mga ilaw.
Dito ko na nakita ang mga tao sa paligid.
Andito ang mga fantasy.
Si mama Luna.
Kahit sila Kianna, Poch, Teddy at senator Kiara ay andito.
Kasama din ni mama Luna si sir Enrique!
Puno din ng bulaklak ang paligid.
May mga design pa nga!
Anong meron?!?!
Biglang tumugtog ang kantang Yellow ng Coldplay.
Nabigla ako nang sumulpot sila Rein.
Naglakad sila sa gitna papunta sa akin.
Kapartner niya si Aiselle.
Natatawa ako dahil naka coat and tie si Rein!
Nakadress naman sila Aiselle.
Ganon ang mga suot nila!
Parang sa mga kasal.
Si Niko at Trixie.
Si Janice at Liam.
Si Chelsea at Henry.
Si Bea at Teddy.
Si Gina.
Nakangiti sila na naglakad.
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.