Nights with Mister Ten - 4

37 0 0
                                    


Paggising ko ay nasa clinic ako.

Nakahiga pala ako sa couch doon.

Nakapalibot sakin sila doc Nikka, Anne, Aiselle, Gina at Chelsea.

Grabe yung ngiti nila.

"Teka pano ako nakapunta dito sa clinic!?!"

Natawa silang lahat.

"Dinala ka ni Teddy." Nakangiting sagot ni Doc Nikka.

"Buhat ka niya na parang prinsesa." Anne

"Ngayon ko lang nakitang ganyan si Teddy."

Biglang nagflashback yung mga nangyari.

Napatakip ako ng mukha.

"So anong nangyari?" Tanong ni Chelsea.

"Pakiexplain nga ito?"

Napatingin ako kay Gina.

Hawak niya yung cellphone niya at may pinakitang picture.

Yun yung nakaupo ako sa lap ni Teddy at yakap namin ang isa't isa.

Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko.

"May nangyari sa inyo ni Teddy?" Aiselle

Umiling ako.

"Dikit na dikit kaya kayo dito sa photo." Gina

Umiling ulit ako.

Napatingin kami sa pinto ng clinic nang bumukas ito.

Pumasok si Teddy.

Mas lalong nag-init ang mga pisngi ko.

"Oaah..you're a..wake. That's good. Eat and get some rest."

Yun lang ang sinabi niya tapos nagmamadali na siyang lumabas ng clinic.

"Ayun oh! Ngayon ko lang nakitang ganyan yan."

Napatingin ako kay doc Nikka.

Naalala ko nung nakaakbay sa kanya si Teddy.

"Wala pong nangyari samin ni Teddy. Promise yan doc Nikka."

"Ha!?! Okay lang naman kung meron!"

"Pero kasi po.."

"Teka ano bang iniisip mo!?!"

"Hindi po ba kayo ni Teddy?"

Grabe yung tawa ni doc Nikka.

Pati narin sila Gina.

Kami lang ni Chelsea yung naguluhan.

"I am definitely not with Teddy."

Naghawak ng kamay sila Aiselle at doc Nikka.

Nagpapalit palit ang tingin namin ni Chelsea sa kanila.

"Yes. We're gay." Aiselle

Teka hindi maprocess ng utak ko.

Ang gaganda kaya nila!

I mean babaeng babae sila.

"Inaasar ako ni Teddy kaya ako nilalandi nun minsan pero walang malisya yun. Close lang talaga kami." Doc Nikka

Nagtawanan sila ni Aiselle.

"Pero totoo walang nangyari samin."

"Eh anong ginagawa niyo jan sa picture? Nakita pa nga nilang binuhat ka niya." Aiselle

"Uhm may booking ako with Richie. After non ay pinuntahan ako ni Teddy tapos nangyari yan."

"Ano nga yan?"

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon