Si Karina:4pm na kami tumigil sa pagpapractice.
Gutom na kaming lahat kaya nagmamadali na kaming mag-ayos para makapunta na sa cafeteria.
Pagbukas ni Trixie ng pinto ay biglang pumasok si Iana at sinabunutan si Bea.
"Walang hiya ka! Wala ka sa cheap na club!"
"Ano ba!?! Totoo naman yung sinabi ko!"
"Gaga!!! Hindi yun totoo! Ano ako aso!?! May galis!??"
Agad nang tumakbo sila Liam at Niko para pigilan sila.
Ayaw nilang tumigil na magsapakan kaya napilitan sila Liam na buhatin na sila palayo sa isa't isa.
Kaso pagkababa nila ay sumugod nanaman sila.
Pumagitna sa kanila si Teddy.
"What's happening here!?!" Galit ang boses niya kaya napatigil sila.
"This bitch! Sinabihan si general na may galis daw ako! He cancelled his booking!"
"Is this true Bea?"
"Oo. Ako ang mahal ni general hindi ikaw!"
"Mahal!?! Girl gumising ka! We are booked here not loved! Okay ka lang!?!"
"Iba si general! He loves me."
"Ilang booking naba ginawa niya after mo!?! Siraulo ka pala eh!"
Nagsimula nang umiyak si Bea.
Lumapit si Trixie at niyakap siya.
"This has no sense! Isususmbong kita kay mama Luna kapag hindi kapa tumigil!"
Pinalo ni Iana yung pinto bago siya umalis.
Huminga ng malalim si Teddy.
Nilapitan niya si Bea.
"That general is a playboy. Sinabi niya ring kamukha mo ang wife niya? Well here's the thing, his wife left him dahil andami niyang babae. This is not a place to find love Bea. Fix yourself."
Pakiramdam ko tinamaan ako sa sinabi ni Teddy.
Nauna na siyang naglakad palabas.
Gusto ko siyang habulin pero ano namang sasabihin ko!?!
Hindi ko rin naman babawiin ang mga sinabi ko sa kanya.
Pinakalma namin si Bea.
Nung umokay na siya ay pumunta na kami sa cafeteria.
Tinry naming lahat na ibalik yung mood kanina.
Kahit papano ay umokay naman si Bea.
Nagpahinga lang kami after kumain at nagprepare na.
After magbihis ni Teddy ay nauna na siyang umalis.
Nakita ko ding lumabas si Gina kaya naman sinundan ko siya.
Pumunta siya samay smoking area.
Medyo nagulat pa siya nang makita ako.
Nginitian ko siya.
Alam ko naman na nagyoyosi siya.
Nilapit niya yung hawak niyang kaha ng yosi.
"Gusto mo?"
"Sira!"
Nagtawanan kaming dalawa.
Nagsindi na siya ng yosi.
Gumilid din siya para hindi mapunta sakin ang usok.
"Congrats Gina!"
"Thank you. Ewan ko ba hindi ko mafeel na promotion to."
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten
RomanceWelcome to Pensèe! We make all your fantasies come to life.