Nights with Mister Ten - 15

30 0 0
                                    


Si Karina:

Nakablack na one shoulder dress ako na mermaid ang cut.

Backless din ito at may mga stones sa harap.

Mataas din yung slit sa left leg ko.

Nakasuot din ako ng silver na sandals na may mataas na heels.

Hindi ko din alam bakit nagpaganda ako ng husto.

Nagpatulong pa nga ako kay Rein sa make up.

Pumasok na ako sa EMA.

Ang daming tumingin sakin na client at pati narin mga fantasy.

Pumunta na ako samay hagdan para makapunta sa balcony.

Nakasalubong ko si Richie.

May kasama siyang fantasy kaya siguro hindi siya nagsalita.

Tumingin lang siya sa akin.

Pumunta na ako sa balcony ni mister 10.

Nakatayo siya samay ledge.

Pumunta ako sa tabi niya.

"You look stunning all the way from up here."

Ayan na ang malalim na boses niya.

Nakasuot siya ng suit.

"Thank you."

"A glass of wine?"

"Sige."

Pumitik siya at lumapit ang isang waiter na nakatayo samay likod kasama ng guards niya.

Naglagay siya ng wine sa baso at inabot ito sa akin.

"Thank you."

"Welcome ma'am."

Umalis na yung waiter.

"It seems you didn't like the gifts I sent you."

"Pano mo nasabi?"

Humarap siya sa akin.

"You're not mentioning it."

Napayuko ako.

"Please don't do that."

"Okay."

Humarap na ulit siya sa stage.

Uminom ako ng wine.

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan.

Nagoff na ang mga ilaw kaya humarap narin ako sa stage.

Performance pala ni Gina ngayon.

May pumalakpak ng malakas mula sa isang balcony.

Si Poch pala!

Grabe ang galing ni Gina!

Sobrang sexy pero sophisticated ng performance niya.

Parang pati ako gusto na siyang iuwi.

Pumalakpak kami ni mister 10 pagkatapos niya.

Inubos na niya yung wine sa baso niya.

Agad naman na lumapit yung waiter at kinuha sa kanya yung baso.

Humarap siya sa akin.

"Let's go to our room."

"Aah okay."

Uubusin ko na sana yung wine ko pero kinuha niya ito at siya ang uminom.

Pinanood ko siyang uminom.

Nakamask siya pero alam kong nakatingin siya sa akin.

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon