MNND_Ichi

2.1K 53 3
                                    

Be advised!

Typographical and grammatical error ahead!






Nasarado ko na ang apartment ng maagaw ng pansin ko ang matangkad na nakahoodie. Papasok na ito sa apartment niya na may dalang plastic bag. Nasa mismong tabing apartment ko lang siya kaya magkatabi lang ang mga pinto namin.

Palagi ko siyang napapansin rito dahil nakakasubong ko siya minsan.

Never ko pang nakikita ang itsura niya dahil kung hindi siya nahoodie ay nakacap ito.

Hindi ko nga alam kung lalaki o babae ba ito. Bukod pa don malabo din ang mata ko kaya hindi ko pinipilit pa na tingnan siya, at baka maweirduhan din ito sa akin kapag ginawa ko yon.

Hindi ko na siya binigyang pansin pa at tinago ang susi sa bag bago ako tuluyang umalis.

Papunta na ako ngayon sa school. I'm a Graduating student taking business management. Isang kilalang school ang pinapasukan ko. Isang akong scholar since first year. Mostly mayayaman ang nag aaral rito.

Bilang lang sa kamay ko ang katulad ko na scholar ng school na 'to. Mahigpit sila sa mga katulad ko. Pasalamat na rin ako dahil isa ako sa mga scholar nila. Naging malaking tulong kasi ito sa akin. Nakakatanggap din ako ng allowance mula sa school kaya kahit papaano minsan lang ako mashort sa pera.

Btw, ako nga pala si Reeve Calla Cohen. 22 years old. Ako nalang ang bumubuhay sa sarili ko simula ng mawala sila mama at tatay.

Unang kinuha si tatay sa amin, maliit palang ako ng mawala ito. Si mama naman nagkaron siya ng malubhang sakit. Dahil na rin kapos kami sa buhay, minsan ko lang siya mapagamot. I did my best para pagamutin si mama, madami akong pinasok na trabaho para magkapera at makabili ng pagamot kay mama pero pinipigilan niya ko.

Palagi niyang sinasabi na ipunin ko ito para sa sarili. Pero dahil matigas ang ulo ko hindi ako pumayag, gusto ko siyang ipagamot. I don't mind kahit na mapagod ako, as long as maging okay lang si mama, but life is not on my side.

I received a call from the hospital na binawian ng buhay si mama. Parang gumuho ang mundo ko, the last family I have tuluyan nang binawi sa akin.

Hindi ko matanggap na wala na si mama. I was so lost, at hindi alam ang gagawin.  Feeling ko nawalan na ako ng rason para mabuhay pa. Feeling ko kinuha na sa akin ang lahat. Hindi ko alam bakit nangyayari sa 'kin 'to. I'm mad how the world seems so unfair to me.

It's been years since it happened. I'm still breathing, and living. Life still feel unfair, but I'm trying not to think of it now.

"Kuya sa tabi lang po" para ko sa driver at inabot ang bayad.

Hindi pa rin ako nasasanay sa malaking gate ng school na 'to.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at binabaybay ang daan papunta sa building department ko. May mailan-ilang studyante na rin sa paligid.

"..Reeve!" Napalingon ako sa malakas na boses. Nasa hallway ako ngayon kaya kahit ang mga studyante sa paligid napalingon rin sa pinanggagalingan ng boses.

Napangiti ako ng makitang si hale yon. Malayo pa siya mula rito pero halos marinig ang boses niya sa ibang building. Tumatakbo siyang palapit sa akin. Napangiwi ako ng muntik na siyang makabangga ng studyante.

Going back when I first saw her, I was a freshmen student back then. Ganitong ganito rin yon. But, It was different dahil ginawa niya yon para tulungan ako from the bully.

Yes, that's right. May bully sa school na 'to at isa ako sa mga biktima nila. Kung iisipin sobrang childish ng ginagawa nila kasi mga college na kami. Hindi ko alam kung bakit ako napagtripan ng mga ito.

My Neighbor Next DoorWhere stories live. Discover now