"Hon, hatid na kita" Agad akong napalingon sa kanya. Paalis na ako papunta sa school.
"Ayos lang ako, heath" Nakita ko ang pag daan ng lungkot sa mga mata niya. Tipid itong ngumiti sa akin.
"Take care, okay..?" Mahina nitong salita. I bit my lip para pigilan ang sarili. Mababakas ang lungkot sa boses ni heath. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
I hate myself for making heath sad. Nagtatampo pa rin kasi ako sa kanya. Hindi niya talaga sinabi sa akin and dahilan kung bakit ganon ang nangyari sa mata niya. I asked her kinaumagahan pero umiwas lang ito. I feel upset, and hurt. It's enough for me to say that she's not fully trusting me.
It's been 4 days. Pinauwi ko muna siya sa apartment nito. Pinatigil ko din muna ito sa pag hatid sundo sa akin. Every day din ako nitong inaalok na ihatid sa school pero tinatangihan ko.
I know I'm being totally a jerk for not understanding her. It just, I want her to fully trust me. I want her to open up to me. I don't like secrets. I have trust issues. She's my girlfriend. She can talk to me anytime, I'm all ears. But, what I saw to her eyes that's night, she had no plan of telling me, and it hurts me..
Nakikita ko siya tuwing uwian, nakatanaw sa akin. Nagguilty ako. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. I missed her so much. But this stupid pride of mine is just too high. I want to slap myself for making heath that way.
For days I noticed na naging matamlay siya. I'm worried na baka hindi siya kumakain kasi napansin kong nangangayayat ito. She look sick. Her eyes, it's not the same anymore. Is it because of me? Did I really become too harsh to her? Gusto kong umiyak, and hugged her tightly as could. I missed heath so much. This is my fault.
I'll talk to her after ng class ko. I won't ask again about her eyes. Kung ayaw niyang sabihin then be it.
Mabilis lumipas ang oras at uwian na agad. Nagmamadali akong pumunta ng sakayan. Hindi na ako nakapag paalam kay hale.
Hinanap agad ng mata ko kung saan madalas si heath naka pwesto. Nadismaya ako ng hindi ko siya makita don.
Agad akong pumara ng sasakyan. Mabilis akong naglakad papunta sa apartment ng makarating ako.
Kumatok ako sa pinto niya. Tinawag ko din siya pero walang sumasagot. Kinuha ko ang susing binigay niya sa akin saka ko binuksan ang pinto.
"Heath?" Tawag ko sa kanya ng mabuksan ko ang pinto ng apartment niya. Sobrang tahimik ng paligid. Wala akong narinig na sumagot.
Dumiretso ako sa room niya. Nakahinga ako ng maayos ng makita ko siyang nakahiga sa bed.
"Heath?" Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Heath?" Maingat kung hinawakan ang mukha nito. She's sleeping peacefully. A smile formed on my face. I missed her so much.
"Hon" mahina ko siyang ginising, but she's not waking up. I tried to wake her up again pero tulad ng una hindi siya nagigising.
"Heath, this is not funny" gising ko sa kanya pero ayaw pa din nitong magising. Walang nangyari.
"Heath, i-isa." I'm starting to get nervous. I tried waking her up again, pero walang nangyari.
"H-hon.." Tawag ko ulit sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit agad kong tinapat ang sarili sa puso niya. Pilit kong inaayos ang pagkalapat ng tainga ko sa dibdib niya dahil wala akong marinig o maramdaman.
I can't hear anything. Kumakabog na ang dibdib ko dahil sa kaba. Mabilis kong hinawakan ang pulsuhan niya. Again, I can't find the pulse. Wala akong maramdaman o marinig manlang na pag tibok ng puso niya.