"...Reeve..."
Nanlalabo ang paningin ko nang pilit kong iminulat ang mga mata. Hindi ko pa maaninag nang maayos ang paligid.
Where am I?
"Reeve..."
Gusto kong ayusin ang salamin ko, pero hindi ko magawa. What's happening? Bakit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko?
Nakatali ako?
"Reeve, ayos ka lang ba?"
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Hale. Mabilis akong lumingon sa kanya.
Biglang binalot ng takot ang sistema ko nang tuluyang magsink in sa akin ang nangyayari.
"H-Hale..."
Nasa harap ko lang siya. She was also tied up, just like me. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala.
"It's alright, I'm okay. It's going to be okay," sabi niya na parang sinusubukang pakalmahin ako.
"May masakit ba sa'yo?" tanong niya ulit. Umiling lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ulit ito. Ramdam ko din ang mahinang panginginig ng katawan.
I need to see Heath.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Everything feels eerily familiar.
It feels like deja vu. Bumabik na naman ang takot ko sa nangyari sa 'kin before. Ayaw tumigil ng panginginig ng kamay ko. Ayoko dito. Gusto ko ng umuwi.
"Reeve, look at me."
"Reeve, please, look at me," aniya ulit. Nanlalabo ang mga mata kong tumingin sa kanya. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
Nakikita kong gumagalaw siya pero malabo ito sa paningin ko.
"It's going to be okay," she said, her voice soft and comforting. I know she's trying to calm me, but the fear won't go away.
I feel scared. Terrified.
I want to see Heath.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito, o kung anong oras na ba ngayon. Hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang takot na bumabalot sa katawan ko.
Kanina pa tahimik si Hale. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya, pero abala siya sa pagsilip sa likod niya simula pa kanina.
Mabilis akong binalot nang takot ng marinig ko ang pag bukas ng pinto. My heart was pounding so hard that I could barely hear anything else.
There's someone.
"H-Hale..." Mahina at nanginginig kong tawag sa kanya.
Hindi pa rin siya tumigil sa ginagawa niya.
"H-Hale..."
Agad naman siyang tumingin sa akin. Pawisan ang noo niya, pero pilit lang siya ngumitit sa akin.
"Are you okay?" tanong niya na puno ng pag-aalala. Tumango lang ako. Ang lambot ng mga mata niya ngayong nakatingin sa akin na parang pinaparating na magiging maayos din ang lahat.
