"Kuya sa tabi lang ho" para ko kay kuyang driver.
Kagagaling ko lang sa work. Sa tapat ako ng Convenient store mismo bumaba. Nagugutom na ko kanina pa. Balak kung magcup noodles nalang muna for dinner. Tinatamad na rin kasi akong mag luto ngayon.
Malapit lang ang building apartment ko rito kaya ayos lang na dito ako bumaba
Nang mabili ko na ang mga kailangan ko umalis na agad ako. Hindi naman umabot ng ilang minuto at nasa harap na ako ng apartment ko.
Nasa first floor naman ako kaya hindi ko na kailangan pang umakyat.
"Here"
"Ay pusa!" Napahawak ako sa dibdib ko. My heart was pounding so hard. Inayos ko ang salamin dahil tumagilid ito. Goodness, aatakihin ako sa taong 'to.
Nakacap ito kaya alam ko kung sino siya. Sino pa nga ba? No other than my neighbor next door. She's so tall this close what the heck!?
Hindi ko maanigan ang mukha niya dahil hindi ito nakatingin sa akin. But, I know for sure na babae siya dahil na rin boses niya kanina.
Sobrang lamig ng boses nito, kalahi ba siya ni Ms. Vaudelaire? I shook my head dahil sa naiisip ko. Why the hell I'm comparing her to our professor.
Dumako ang tingin ko sa hawak niya.
"Hala!" Ito ang mga pinamili ko kanina. Chineck ko pa ang dala kong plastic bag, uunti nalang ang laman nito, kaya pala feeling ko gumaan ang dala ko. Bat hindi ko man lang napansin?
Nagtama ang mga kamay namin ng kinuha ko ang inaabot niya. Saglit lang ito pero ramdam ko ang lamig ng mga kamay niya sa balat ko. It surprised me. Nilalamig ba siya? Total medyo masama ang panahon ngayong araw. Uso pa naman ang sakit.
"Thank you" she just nodded in response bago siya tumalikod at pumasok sa apartment niya.
She's weird.
Hindi man lang kasi ito lumingon o baka ayaw lang talaga nito? I just shrugged myself. Who knows right?
Nakatayo lang ako na nakatingin pa rin sa sarado niyang pinto. Nacurious ako sa itsura niya.
Ang tangkad niya, I think mas matangkad siya kay hale. Kung hindi ko pa narinig ang boses nito kanina baka mapag kamalan ko siyang lalaki. She's tall, and she does look boy dahil sa tindig niya, o dahil nakahoodie siya kaya hindi halata?
Bat naman kasi palagi siyang naka hoodie napaka init na nga. Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok na lang sa loob.
After ko kumain saglit lang akong naglinis ng sarili saka ko tinapos ang mga homework ko. Kunti nalang naman ito kaya mabilis ko lang itong matatapos.
Nakahiga lang ngayon simula pa kanina. Feeling ko pagod na pagod ang buo kong katawan. Naisip ko na naman ang babae kanina. I mean my neighbor. She's tall, sana lahat diba binayayaan. But hey, I'm not small, sadyang matanggad lang talaga ang mga ito.
I think mga hanggang balikat lang ako nito.
Ang pinagtataka ko lang kung bakit hindi ko man lang siya napansin, o narinig. Sobrang occupied ko ba kanina? I don't know. Hindi ko pa malalaman na nandon siya kung hindi siya nag salita.
Napahikab ako dahil na rin sa antok. I need to sleep my pasok pa ako bukas. Chineck ko muna ang phone ko kung anong oras na.
Mag 1 na pala. Nag set muna ako ng alarm bago ako natulog.
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Giniginaw ako kaya mas binalot ko pa ang kumot sa sarili ko.
Bat ang lamig lamig ng panahon?