Ngayong araw ang laro ni hale. Simula pa nong isang araw nag start ang program sa school. Ngayon lang talaga ako pumunta sa araw ng laro ni hale. Ginugod ko ang sarili sa trabaho ko para may extra.
Whole day akong nasa work kahapon kaya pag uwi ko ng bahay feeling ko pagod na pagod ako.
Hindi ko din nakita si heath ng buong araw. Kala ko mabubungaran ko siya sa loob ng apartment pero wala. I even checked my phone kung nag message ba siya pero wala. I have no idea where her whereabouts are.
I missed her, kahit isang araw ko lang itong hindi na kita. I badly want to see her. Masyado na akong nagiging needy sa kanya. Hindi ko pa malalaman na may ganito akong side kung hindi dahil sa kanya.
Walang gana akong naupo sa bleacher ng makarating sa court. Pumwesto ako sa madalas kong pinag-uupuan evertime na hinihintay ko si hale every practice nila.
Sobrang dami ng tao ngayon kaya napakaingay ng paligid. Halos hindi familiar, at mga bagong muka ang nakikita ko.
Well, dalawang sikat na school ba naman ang maglalaban. Silvster University, and Raizen University. Sa pagkakaalam ko malakas ang mga taga RU. Nasabi sa akin ni hale na dito sila nahihirapan kalabanin.
Nakita ko naman agad ang team nila hale. Halos matatangkad silang lahat. What do you expect, they're volleyball player.
Dumako ang tingin ko sa players ng mga taga RU, like sa SU ang tatangkad din ng mga ito. Nanliliit ang height ko kung icocompare sa kanila. Sana lahat diba biniyayaan ng height.
Agad ko namang napansin si hale. Papalapit siya sa pwesto ko ngayon. Ang ganda ganda talaga ng best friend ko. I feel proud tuloy.
Naka suot na siya ng jersey na may tatak na number 9. What? Iniba niya ba ang jersey number niya? Sa pagkakalam ko number 5 ang number niya. Change of number ganon?
Ang daming napatingin sa kanya. I mean look at her kahit sino mapapatingin talaga sa kanya. Ang galing din kasi nitong dalhin ang sarili kahit na simpling suot lang.
Nagtataka tuloy ako kung may nagugustuhan ba siya.
Oh, I forgot, meron pala and it's Ms. Vaudelaire.
"Kanina kapa reeve?" She asked me ng makalapit siya.
"Hindi naman, kararating ko lang din"
Nag usap lang kami saglit. "Wait mo 'ko after the game, sabay na tayo" habol niyang salita.
Nakipag daldalan pa ito saglit saka siya bumalik sa mga teammates niya.
Mag sisimula na rin kasi ang game nila. Tinawag na ang bawat player ng team.
Sobrang ingay ng mga nanonood after matawag ang mga name ng bawat player. Isa isa ko lang naman silang pinagmamasdan.
After matapos matawag ang team nila hale ay ang kabilang team naman. Katulad din kanina sobrang ingay din. Napansin ko lang na mas lalong lumakas ang ingay ng mga tao tinawag ang isang player nila. Kahit ako ay hinanap ko din kung sino ito.
Number 1 ang nakatatak sa jersey nito. Hindi na ako mag tataka bakit ganon ang naging reaksyon ng mga tao sa kanya. Ang lakas kasi ng dating nito. Kapansin pansin din ang pagiging maputi niya, compare sa iba.
If I describe her, she's the definition of pretty, and cool. Lahat ata ng tao sa loob nasa kanya ang attention. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. It is just me, or nakikita ko sa kanya si heath? I don't know, maybe because I just miss heath kaya nakikita ko siya sa kanya. Pinagmasdan ko lang ito ng matagal. I think same height din sila ni heath. She's like heath talaga.