"..you ready?" Tanong sa akin ni heath ng makapasok siya sa room.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"It suits you well" matamis nitong ngiti sa akin. Inirapan ko siya na ikinatawa lang nito.
"Right." Sarcastic kong sagot.
Pupunta kami ngayon sa bahay nila for dinner. Gusto ako nitong formal na ipakilala sa mga pinsan niya.
Nakabihis na ako kanina at lahat lahat pero hindi siya pumapayag na yon ang isuot ko, instead ang hoodie jacket nito ang ibinigay sa akin at iyon ang isuot. Ang reason lang nito, malamig naman daw ngayon kaya mas okay na mag jacket nalang.
Wala naman akong nagawa at sinunod ito.
"Let's go?" Naramdaman ko ang mga kamay niya na marahang pumulupot sa bewang ko, pinaharap niya ako sa kanya saka ako hinapit palapit rito.
Ninakawan pa ako nito ng isang halik saka ako nito hinila paalis ng room.
Malakas pa din ang ulan hanggang ngayon.
Tumungo agad kami sa sasakyan niya. Ito ang may dala ng payong. Mabilis nitong binuksan ang front seat ng sasakyan niya saka ako pinauno, mabilis din itong umikot patungo sa driver seat.
Halos basa na siya ng ulan ng makaupo siya. I grab the handkerchief sa bag ko and wipe ang kunting basa sa mukha at ulo niya.
I could feel her eyes on me. Nang matapos ko siyang punasan matamis lang itong nakangiti sa akin.
"Malayo ang pupuntahan natin?" I asked her.Kanina pa kami makaalis ng apartment. Hanggang ngayon ay umuulan pa din.
"Yes, sleep ka muna, I'll wake you up once we get there" Marahan pa nitong hinahawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin.
Nakamasid lang ako sa nadadaanan namin, madalim ang buong paligid, tanging ang ilaw ng street lights at ilaw na nagmumula sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa nadadaanan namin. Uunti lang din ang dumadaang mga sasakyan. Malayo na din kasi kami sa bahayan.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako, inaantok kong nilingon si heath, seryoso itong nakafocus sa pag dadrive. Hawak pa din nito ang kamay ko hanggang ngayon.
Mahina ko naman itong pinisil dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Keep sleeping hon, we're not there yet" malambing nitong salita.
Tinuon ko nalang ang tingin sa nadadaanan namin. Naramdaman kong inalis ni heath ang nakahawak niyang kamay sa akin, hindi ko nalang ito pinansin at focus pa din ang pagtingin sa labas.
Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ang kamay niya sa hita ko, nakapatong lang ito don. Nakafocus pa din ito sa pag dadrive. Tinuon ko nalang ulit pagtingin sa labas at hindi ito pinansin.
I stiffened for a moment ng maramdaman ang marahan nitong paghaplos sa hita ko, napalingon ulit ako sa kanya seryoso lang itong nagddrive.
I'm just staring at her, saglit siyang lumingon sa akin.
"What's wrong?" Umiling naman ako sa kanya kahit hindi nito nakikita.
Hindi ako mapakali dahil sa kamay niyang nasa hita ko. She's caressing it, at naghahatid ito ng kakaibang init sa katawan ko, aware ba siya sa ginagawa niya?
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili. Winalang bahala ko nalang ang ginagawa nito.
"Hon, wake up" rinig ko sa boses ni heath. Inaantok kong minulat ang mga mata ko. Ang magagandang mata ni heath ang bumungad sa akin.