MNND_Roku

702 39 2
                                    

Napahinto ako sa pagsusulat ng marinig ko ang phone ko na tumunog, tanda na may nag message. Chineck ko naman agad ito.

"hi:>" basa ko sa message. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil si heath ito. Awe. She's too cute right now. Natatawa naman akong nag message sa kanya.

"hello heath ⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄" message back ko sa kanya at sinend ang sinusulat kong notes.

Days have passed naging close ko na si heath. Hindi ko alam kung close bang tawagin yon.

Madalas akong pumupunta sa apartment niya, ganon din ito dito. Familiar na nga ako don. Alam ko na ang pasikot sikot ng apartment niya. Para na din tuloy itong extension ng apartment ko.

May mga araw, after ng work ko magugulat ako na nasa loob na siya ng apartment ko. Quietly sitting there na parang hinihintay talaga ako. Kaya minsan natatakot ako sa kanya, sino ba naman kasing hindi natatakot don kapag binuksan ko ang ilaw andon lang siya nakaupo at nakatingin sa akin. Hindi man lang niya binuksan ang ilaw para naman alam kong nasa loob siya.

Pagtatanungin ko naman siya kung ano ang ginagawa niya dito, sasabihin lang nito na naboboring siya sa apartment nito.
Nakakalimutan ko kasi minsan na binigyan ko din pala siya ng susi ng apartment ko, para fair naman sa kanya lalo pa at binigyan niya din ako ng susi nito.

"Am I disturbing you?" basa ko sa message niya. Atumatiko naman akong umiling kahit na hindi niya ko nakikita.

"Nope, what are you doing?" I asked her.

"Heath sent a photo" natuwa naman ako sa sinend niyang picture. It was the human size teddy bear. Nasa kwarto niya ito.

Matagal siya bago nagreply.

"Heath sent a photo" nag send ulit ito ng picture. Nagulat ako dahil sa labas ng pinto ko ito. Nasa labas siya ngayon? Mabilis akong tumayo para pagbuksan siya.

"Heath?" Tawag pansin ko sa kanya. Nakatutok pa rin kasi ito sa phone niya. Cute.

Napalingon naman ito sa akin. Hindi nakawala sa paningin ko ang hagod niya sa katawan ko. Medyo nailang ako dahil nakasando lang ako ngayon. Madiin itong nakatingin sa akin na parang may ginawa akong mali.

Okay? Anong kasalanan ko?

Pasimple ko itong hinagod. Ang ganda ganda talaga nito kahit kailan. And of course hindi mawawala ang favorite hoodie niya na bagay na bagay sa kanya.

Kaya gustong gusto ko siya kahit tahimik eh. That's right, tama kayo I like her. I like heath. Not platonically but romantically. I know sobrang bilis pero anong magagawa ko that's how I feel for her. Kala ko crush ko lang siya but no. Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa kanya. I don't really mind about the gender. As long as she's heath, sa kanya lang ako magkakagusto.

Now, I sounds like a love struck high school kid.

Pero syempre secret ko lang yon. Ayaw ko naman itong matakot, at umiwas sa akin.

"I brought you food" saka niya nilahad sa akin ang dala nito. It's a box of pizza. Nag order pa ba siya nito? Kinuha ko ito sa kanya.

"Hindi kana dapat nag abala sa pagkain heath" Baka kasi nag order pa siya para lang dalhin rito. Ayaw ko naman siyang gumagastos.

"It's alright" rinig ko sa mahinang niyang boses.

Nakasunod lang siya sa akin. Dumiretso kami sa mini sala ko kong nasaan nakakalat ang mga gamit ko kanina.

"Wait lang" mabilis kong inayos at tinabi ang mga notes ko. Nakaupo lang naman siya at tahimik na nakamasid sa akin.

"Wala ka bang ginagawa sa inyo at nandito ka?" I asked her. Umiling lang naman ito sa akin.

My Neighbor Next DoorWhere stories live. Discover now