MNND_Kyu

657 38 3
                                    

TRIGGER WARNING‼️ This chapter contains scenes that may be upsetting and disturbing  to some readers. Please be advised.













READ AT YOUR OWN RISK.







After ng gabing yon naging okay na ang lahat sa amin ni heath. We've officially become each other. Finally. It's been months ng mangyari yon. Up until now hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ko na ito. Hindi matutumbasan ang tuwang nararamdaman ko nang araw na yon, up until this day. It's was our special day.

She's clingy kahit hindi halata sa kanya. Halos don na nga siya sa apartment ko tumira dahil madalang na itong umuwi sa sarili niyang apartment.

Ito din minsan ang sumusundo sa akin sa work. Ganon din sa school, magugulat nalang ako na nasa labas na siya ng school.

Mas nakilala ko siya ng husto. But her red eyes have been bothering me up until now. It always happens if we are intimate with each other.

There's a time na nakita ko siyang nahihirapan. It's like she's controlling herself.

Accident kong nakita siya sa ganong sitwasyon, kaya hindi niya alam na nakita ko siya, and I just pretend na kakauwi ko lang like nothing happened.

I want to ask her kasi nag aalala ako sa kanya, pero ayaw ko itong pangunahan. I want to ask her pero natatakot ako dahil I always have this thoughts na baka may magbago kung nalaman ko ang dahilan.

Ang pinoproblema ko lang ngayon kung pano ko ba sasabihin kay hale ito. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din ito naoopen sa kanya. Kahit naman madalas kaming magkasama o gano pa man kami kalapit sa school. May takot pa rin sa akin na kung sabihin ko ba ito sa kanya or hindi.

Kapag tinatangka kung sasabihin sa kanya pinapangunahan agad ako ng takot. Kaya hanggang sa huli hindi ko na sasabi sa kanya. Ang dami kong what ifs. She's my only friend and ayaw ko siyang mawala sa akin.

But no, buo na ang loob ko ngayon. Sasabihin ko na ito within this day. But first I need to submit my project kay Ms. Vaudelaire. 

Kumatok muna ako sa office ni Ms. Vaudelaire.

"Come in" Rinig ko sa intercom nito.
Busy siya ngayon sa ginagawa niya ng makapasok ako.

"Good morning Ms." Bati ko. Tumingin ito sa akin. Is it just me or nakatitig siya sa akin ngayon. Para niya 'kong sinusuri.

"Ms?" Tawag pansin ko kay Ms. Vaudelaire. Umiling lang ito saka niya tinuloy ang ginagawa. That's weird.

Pinasa ko na ang project ko saka ako lumabas ng office.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humarang sa akin.

"You're reeve cohen right?" Tanong ng isang lalaki sa akin. Tatlo silang lalaki ang nakaharang sa dadaanan ko.

"Yes?" Sagot ko naman, inayos ko pa ang salamin. Hindi ko sila kilala, pero familiar ang mga mukha nila. Anong kailangan ng mga ito sa akin? Nakita ko ang mga tingininan nila sa isa't isat kaya kinakabahan ako.

"Come with us" Tuluyan na akong binalot ng kaba sa katawan dahil sa sinabi ng isang lalaki. Uunti pa naman ang mga studyanting dumadaan rito.

I have a bad feeling about this, kailangan ko agad makaalis.

"I need to go" mabilis akong tumalikod para bumalik sa office ni Ms. Vaudelaire, pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang malakas na bagay na tumama sa likod ng ulo ko. I don't know what happened since everything went blank.

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi pa malinaw sa paningin ko ang paligid pero madilim ito.

Nang mag sink in sa akin ang nangyari kanina binalot ng takot ang katawan ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Ayaw kumalma ng puso ko. It's beating so fast.

My Neighbor Next DoorWhere stories live. Discover now