MNND_Yon

690 48 2
                                    


Naalimpungatan ako dahil sa basang towel na nasa noo ko ngayon. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko pero hindi katulad kanina dahil mas naging okay na ngayon. Mabuti at hindi na din masakit ang ulo ko.

"H-hale?" Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Pilit akong bumangon sa pagkakahiga. Naramdaman kong maingat niya akong inalalayan.

"Thank you.." Malinaw ko siyang nakikita ngayon. Kinapa ko pa ang salamin sa tabing table at sinuot ito. Mas malinaw ko siyang nakikita ngayon.

It wasn't hale. Who is she? Ngayon ko lang ito nakita.

Matagal ko siyang tinitigan. She's-wow.
How come such a beauty exist anyway? She's real right?

Sobrang ganda niya. I shook my head. No scratch that! she's pretty handsome. I mean look at hear. Ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. I've seen a lot of beautiful woman, but she's hundred percent more beautiful and more handsome. Gosh.

Hindi ko alam kong niloloko ba ako ng paningin ko ngayon dahil sa sakit ko kaya kong ano ano na ang nakikita ko. Nakalimutan ko din na may sakit ako dahil sa kanya

"You're pretty.." Wala sa sariling salita ko.
Nakatingin lang siya sa akin. More like nakatitig.

Hindi ko alam bat ang tapang tapang ko ngayon. Hindi naman ako ganito ka open mag salita. Dahil ba sa sakit ko?

Ang puti puti niya. Sobrang pula din ng lips niya. Damn. Grabe naman ang biyayang natanggap niya, sinalo lahat.

"Stop pouting" Hindi ko naman namalayan na nakanguso na pala ako ngayon. Bat kasi ang ganda ganda niya. Nakakainis.

Wait-that vioce! Saan ko ba narinig 'to? Nakatingin lang ako sa kanya, inaalala kung san ko ba narinig ang boses niya.

Nanlalaki ang mata ko ng marealize ko kung sino siya. How come na nakalimutan ko yon! It's he-It's my neighbor! Si Ms. hoodie! Goodness. She's super pretty. Bakit kasi nakahoodie siya palagi.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko ng lumapit siya sa akin. Too close. Hindi pa ako nakaka get over ng ilapit niya ang mukha niya. Feeling ko nag panic ang buo kong kalooban dahil sa ginawa niya. Pigil hininga akong nakatingin lang dito.

Naramdaman ko na pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Para pa akong gininaw dahil sa lamig ng balat niya. Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa ginawa nito. My heart was pounding so hard. Nakakabingi. I feel like my head is spinning.

Alam niya ba ang tinatawag na personal space?

"Calm down.." Kinilabutan ako dahil naramdaman ko ang mainit niyang how nininga sa akin. I gulped dahil feeling ko na ssuffocate ako. Parang mas lalala ata ang sakit ko.

"..You're still burning" salita niya bago siya lumayo sa akin. She was just looking at me. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Goodness, may sakit ba ako sa puso?

"Eat this" kinuha niya ang bowl sa tabing table. Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya.

"Open your mouth.." nasa tapat ko na ang kutsara. Did she cook this? Medyo nahiya ako dahil pati ito ay siya ang gumagawa.

"I-i c-can handle" nahihiya kong agaw ng kutsara sa kanya pero iniwas niya lang ito.
Naiilang ako sa mga tingin niya. The way she was looking at me was too deep, as if she could see right through me.

"Baka naman matunaw ako niyan" May pagbibiro kong salita.

Nakita ko ang saglit na pag angat ng labi niya pero bumalik din agad sa dati. Hindi ko tuloy alam kong namalikmata ba ako o ano.

My Neighbor Next DoorWhere stories live. Discover now