"..Reeve Calla" Hale's voice brought me back to reality. Agad akong napalingon sa kanya.
"Are you okay?" She asked me. Papunta kami ngayon sa cafeteria.
"Y-yeah.." para akong napaparanoid simula pa kahapon. I'm been seeing this guy that I've seen last time sa school. Agad din itong mawawala kaya natatakot na ako. Hindi ko alam kong naghahallucinate ba ako o ano.
Palagi ko ding nararamdaman na may nakatingin sa akin. And it's creeping me out. Gosh. Para akong mababaliw kakahanap kong sino yon.
"You're spacing out" she was looking at me straight to my eyes, as if she's searching for something.
"Sorry"
"Don't stress yourself reeve, just ask me if you need anything, okay?" Ginulo niya pa ang hair ko na parang bata.
"Hale, stop it" saway ko sa kanya dahil gugulo na naman ito. Nakasimangot akong nakatingin sa kanya. Tumawa lang naman ito.
Naging busy na din kasi kami dahil malapit na ang graduation namin. Gosh. Ang bilis ng panahon. Tambak na tambak kami sa mga school works.
Pinapagalitan na nga ako ni heath dahil pinapabayaan ko na ang sarili ko. Hindi naman sa pinapabayaan ko, kailangan ko lang talaga kasing mag habol lalo pa at may trabaho din ako.
Pinapatigil na nga ako nito sa trabaho ko pero hindi ako pumayag. Ayokong umasa sa kanya. Gusto kong pinaghihirapan ang ginagastos ko.
Hatid sundo din ako nito sa work ko. I really appreciate lahat ng mga ginagawa sa akin ni heath. Hindi ko din alam sa sarili kung bakit nabigyan ako ng isang heath sa buhay ko. Gosh. I really love her.
Instead na sa mga school works lang ako masstress, sumabay din ang nakikita kong nakaitim na tao last time. Hindi ko alam kung sino siya. Natatakot na ako dahil palagi ko na itong nakikita tuwing uwian namin.
Napabuntong hinanga ako dahil sa mga nangyayari sa mga nakalipas na araw.
"It's froz" agad akong napalingon sa tinitingnan ni hale. Tama nga siya. It's froz. Hawak nito ang libro at busy sa pagbabasa ngayon. Wala siyang pakialam kahit na madaming nakatingin sa kanya. She doesn't seem bothered to them at all. Para siyang may sariling mundo ngayon at nakatuon lang ang tingin sa binabasa niya.
Agad kaming lumapit sa pwesto niya. Palagi na namin siyang nakakasama rito, pero madalas wala siya dahil busy din.
"Frozty the great" bati ni hale sa kanya at agad din na umupo.
"Hello Froz" bati ko din ng makalapit kami. Nabaling ang tingin niya sa amin.
"Hi" Niligpit niya ang hawak niyang book.
Hinihintay pala talaga kami nito ngayon. Wala kasi ito ng mga nakaraang araw.
Agad na umalis si hale, siya ang nag prisinta na bumili ng food namin.
"How are you, reeve?" Nakatitig lang ito sa akin ngayon. Minsan talaga nagugulat din ako sa kanya dahil hindi kasi talaga ito palasalita. Like, hello, she's Froz. She's usually not much of a talker, like Heath.
It's unusual that she's starting a conversation. Kung hindi mo siya kakausapin, hindi din ito magsasalita."Stress" walang ganang kong sagot. Halos wala na kaming pahingang mga graduating student.
"I can see that" Mahihimigan kong pilya niyang salita. Gosh. Minsan lang siya maging ganito. Nakalumbaba lang naman ako, observing her. Now that I could see her this close, I noticed she has a few little moles on her face. It was beautiful on her face.