MNND_Go

780 45 3
                                    

Kasalukuyang nagsusulat ako ngayon ng mga notes galing kay hale. Sinabihan ko kasi ito na dalhin niya ang mga note niya sa bahay kapag pupunta siya. Tatlong araw din kasi akong absent dahil sa sakit ko, kaya kailangan kong maghabol ng mga topic na namis ko.

Dumating siya kanina. Nasa kusina siya ngayon, at siya daw ang magluluto ng lunch namin. Habang busy naman ako sa pagtapos ng mga school works ko.

I feel completely fine now, and it's because of my neighbor. Sobrang laking pasalamat ko kay Heath dahil hindi niya ko iniwan hanggang sa tuluyan akong gumaling. Kahit anong pilit ko sa kanya na kaya ko na ang sarili ko, at hindi naman na ganong kalala ang sakit ko, hindi ito nakinig. She insisted na wala naman daw siyang ginagawa.

Nalaman ko na din ang name niya. More like pinilit ko siyang sabihin sa akin. Ayaw kasi nitong sabihin kung hindi ko pa pipilitin. Pamysterious type kasi nakakainis.

Obviously she's not much a talker. She seems aloof to me, I don't know, I just feel it.
Definitely an introvert.

Bumisita din sa akin si hale that time dahil nag aalala talaga ito. Ang dami niyang dalang gamot ng pumunta siya rito kaya andaming nakatambak sa bahay. Hindi ko alam bakit sobrang dami non, para namang araw-araw akong nagkakasakit dahil sa dami ng dala niya. Nagkakasalisihan ang dalawa, kasi kung dumadating si hale sakto namang wala na si heath, o kaya kakaalis lang. Tapos babalik kung naka uwi na si hale. Gusto kong isipin na sinasadya ng mga ito pero hindi nga pala makakilala ang dalawa.

Hindi ko na nga nakikita si Heath simula ng gumaling ako. I admit I missed her. Gusto kong pormal siyang pasalamat sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin. Bibisitahin ko nalang siya mamaya sa apartment nito.

"Start na ang program next week sa school, manood ka ha" Rinig kong salita ni hale.

Napahinto ako sa pagsusulat at nagtatakang tumingin sa kanya. May program? Para san?

"Bakit anong meron?" Clueless kong tanong sa kanya.

"Really, Reeve?" Parang hindi pa makapaniwalang salita niya.

"Saang school kaba ang aaral at hindi mo alam?" Nakaharap na ito sa akin ngayon. Nakataas na rin ang isang kilay niya.

"Silvster University?" Patanong na sagot ko sa kanya. Naniningkit itong nakatingin sa akin. Para pa itong hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Talagang patanong reeve? Hindi ka sure?" medyo masungit niyang tanong. Natawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Anong ngang meron?" Tanong ko ulit at pinagpatuloy ang pag susulat.

"Sports Fest" rinig kong wika nito. Tumango naman ako bahang busy sa pagsusulat.

Wala naman kasi akong interes sa mga ganon. Siguro sa pagkain pwede pa.

"Anong sasalihan mo?"  tumingin ako sa kanya. Tapos na siya sa pagluluto kaya nireready na nito.

Inayos ko na din ang mga nakakalat kong notebook, at itinabi sa gilid.

"You know I'm not interested sa mga ganyan, hale." Kumuha na rin ako ng plato na gagamitin namin.

"Sabi ko nga" she answered.

"I'll cheer you nalang sa laro niyo" Isa kasi ito sa mga player ng volleyball. Hindi man halata pero isa siya mga magagaling sa school namin. Trust me, she might not look strong but she become the MVP last year.

"Ano pa bang nagagawa ko" nagsasandok na ito ng kanin ngayon. Ganon din ang ginawa ko. Adobo pala ang niluto niyang ulam na medyo dry ang sabaw. Spicy adobo to be specific. Hilig ko kasi talaga ang maanghang. Pati nga ito ay nahawa na din sa pagkagusto ko sa maaanghang. Madami ang niluto niya para daw iinitin ko nalang ang mga left over.

My Neighbor Next DoorWhere stories live. Discover now