MNND_San

715 45 0
                                    

Nasa classroom na ako ngayon dahil napaaga ako ng punta sa school. May sinubmit pa kasi ako kanina sa Dean, na dapat kahapon ko ba sinubmit.

Sobrang sama ng pakiramdam ko simula pa kanina ng magising ako. Feeling ko mag kasakit ako ngayon. Sana lang talaga hindi.

Sa dalawang araw na walang pasok sinulit ko lahat ng ito. Natulog lang ako ng natulog. Of course nag advance study na rin ako dahil kailangan yon.

Mabuti nga at hindi na maulan ngayong araw. Madilim lang pero hindi umuulan. Medyo malamig din ang simoy ng hangin

Lihim akong napahikab dahil sa antok na nararamdaman ko. Nilibot ko ang paningin sa loob. Dumako ang tingin ko sa natutulog na atang classmate ko. Lima pa lang kaming nasa room dahil nga masyado pang maaga. For sure mamaya pa din si hale.




"Reeve"

Naalimpungatan ako dahil sa taong yumuyugyog sa akin.

"Reeve ang init mo" rinig ko sa boses ni Hale. Huh? Boses ni Hale? Kinusot ko muna ang mata ko saka inayos ang salamin.

"May sakit ka reeve" may pag aalala niyang salita.  Nandito na pala siya. Anong oras na ba?

I forgot nasa classroom pala ako. Hindi ko alam na nakatulog ako. Nilibot ko pa ang paningin sa paligid. Marami na din pala hindi katulad kanina.

Napahawak ako sa sintido ng kumirot ito.
Feeling ko mas lalong sumama ang pakiramdam ko ngayon. 

"I'm f-fine hale"  Tinaasan lang ako nito ng kilay. Bat ang sungit niya ngayon?

"Fine your face! Look at yourself? Yan ba ang mukang okay?" Sinalat niya ang noo at ang leeg ko. She was looking at me filled with worry in her eyes.

"Let's go, I'll take you to infirmary" Inaayos na nito ang mga gamit ko.

"Hale may pasok pa tayo, mamaya nalang" pigil ko sa kanya dahil kaya ko naman sarili ko. Baka mamaya maging okay na din ako.

"No, let's go-" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pumasok na sa room si Ms. Vaudelaire.

As usual sobrang tahimik nanaman ng room. Para tuloy may dumaang anghel dahil sa katahimikan.

"Good Morning." Malamig nitong bati sa amin. Para akong gininaw dahil sa boses niya. Sabay sabay naman kaming bumati sa kanya.

Nag discuss agad ito sa amin. Gusto ko mang makinig pero hindi ako makafocus, nahihilo ako. Ang bigat bigat ng parikamdam ko.

Lumingon ako kay hale ng maramdaman ko ang pag hawak niya sa akin.  Nag aalala itong nakatingin sa akin ngayon. Pilit akong ngumiti, at itinuon ang sarili sa notebook ko. Wala akong maintindihan. Walang pumapasok sa utak ko.

"Yes?" Rinig kong boses ni prof. Hindi ko alam kong sino ang kausap niya dahil hindi ako makafocus ngayon.

"Excuse me, Ms. but I need to take reeve to the infirmary"  Hindi ko maintindihan ang pag uusap nila dahil sa hilo na nararamdaman ko. Gosh. I hate being sick.

"What happened?"

"May sakit po siya ngayon"

Naramdaman kong may kamay na sumalat sa leeg at sa noo ko. Nilingon ko ito. Nagulat ako dahil si Ms. Vaudelaire ito.

"M-ms?" I said almost like a whisper. Halos wala atang lumabas na boses sa bibig ko. 

"Ms. Yamada, take your friend to the infirmary." Nakalingon ito kay Hale ngayon bago tumingin sa akin.

My Neighbor Next DoorWhere stories live. Discover now