Zia Hale
Ayaw tumigil ng mga luha ko simula pa kanina. I can't stop crying dahil sa sinapit ni reeve. Takot na takot ako ng maabutan namin siya sa ganong sitwasyon.
I'm afraid to lose her. She's not blood relative but reeve is precious to me. She was like my sister. Ayaw kong mangyari ulit ang nakaraan. I don't want to lose another soul.
"Shh, calm down, your friend is brave, she will make it, okay?" She gently rubbed her hands on my back para pakalmahin ako.
Kanina niya pa ko pinapatahan dahil halos ayaw tumigil ng mga luha ko. Mahigpit lang akong nakayakap sa kanya.Siya ang kumausap kanina sa doctor. She seems familiar to them and to the nurses. Kilala din siya ng mga ito. Pagpasok palang namin nakasalubong na agad ang mga ito na parang alam na darating kami.
Siya ang kasama ko sa paghanap kay reeve kanina. Nakasalubong ko siya ng time na hinahanap ko si Reeve.
Hindi kasi pumasok si reeve sa ibang subject na ipinagtaka ko. Never siyang mag aabsent ng walang dahilan. Sakto naman na dumaan si Ms. Vaudelaire at natanong ko sa kanya.
Mas lalo akong nag aalala dahil sa sinabi niya. Kaya nag suggest siya na Icheck ang cctv ng school. Parehas kaming nagulat sa nakita namin. Galit na galit si ma'am dahil sa nasaksihan.
Nang malaman namin kong saan nila dinala si Reeve. Agad akong pumunta don. Hindi ko naman alam na sasama si ma'am.
Napunta kami sa abandonadong gusali. Halos sira sira na ito. Sa pagkakaalam ko pinagbabawal ang mga studyante na pumunta rito. Sakop pa din ito ng school dahil nasa loob mismo ito ng university.
Dito nila dinala si Reeve. Nakita ko naman agad kong saan ito dahil may mga lalaki sa labas ng isang room. Mabilis akong pumunta don saka ko sila nanlilisik na tiningnan. Hindi na sila nakaangal dahil kasama ko si ma'am.
Narinig ko pa na hindi sila pinaalis ni ma'am ng akmang aalis na ang mga ito. Ramdam na ramdam ko ang panganib sa boses niya ng sinabi niya yon.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan ni ma'am ang braso ko. Bakas ang pagaalala sa mukha niya. Winalang bahala ko lang yon at malakas ng binuksan ang pinto.
Para akong nanlambot dahil sa nakita ko. Mabilis akong lumapit sa lalaki at malakas na hinila paalis kay reeve.
"Stay where you are!" Rinig ko sa mapanganib na boses ni ma'am sa lalaki. Hindi ko na pinansin yon dahil sunod sunod ng tumulo ang luha ko.
"R-reeve?" Nanlalambot akong lumapit sa kanya. Marahan ko siyang hinawakan, at natatakot na baka lalo ko siyang masaktan.
Parang piniga ang puso ko dahil sa sitwasyon niya ngayon. Punit ang damit niya banda sa dibdib. May paso siya ng sigarilyo don. Madami siyang pasa sa katawan. May sugat din ang labi nito. Bakat din ang mga tali sa pulsuhan niya. Ganon din sa leeg niya, makikita ang marka ng kamay don. Nakakapanghina. Anong nangyari? Bakit nila ginagawa 'to kay reeve?
Marahan ko siyang binuhat papalapit sa akin. Ayaw tumigil ng mga luha ko.
Nang mahawakan ko ang ulo nito mas lalo akong naiyak dahil dumudugo ito."R-reeve, p-lease w-wake u-up.." Halos hindi ko na maintindihan ang sinabi ko dahil sa pag iyak.
"Zi, We need to bring your friend to the hospital" It was the first time I heard Ms. Vaudelaire's gentle voice. It was so gentle and careful.