Chapter 02

329 93 1
                                    

First Day of Senior High School is so exciting, finally 2 years nalang at college na ako. Kaunting push pa self kaya mo yan, wala ka naging boyfriend nung Junior high school,  kaya manifesting na hindi magkagusto sa lalaki ngayon hanggang maka graduate.


Malapit na ako sa room namin, sino sino kaya ang magiging kaklase ko nakakalungkot nga at nagkahiwahiwalay kami nila Izara at Charlene dahil iba iba din naman ang course namin. Malay ko ba kay Charlene at nag TVL siya eh gusto niya mag take ng education pag college. Si Izara naman ay ABM, accountant kasi gusto. Sana all magaling sa math.


Pagkapasok ko sa room namin ay wala pa masiyadong tao at marami pang bakanteng upuan, pero mas pinili ko na lamang umupo sa harapan. Huwaw Good Student.


"Hello Jennifer," Pagbabati agad nung sa likod ko. Nung nilingon ko ay agad ako napangiti sakaniya at binati din. Classmate ko nung grade 10.


Nilibot ko ang aking paningin at natigilan ako ng magtama ang paningin namin ni Alyana. Ang dati kong kaibigan, hindi ko alam kung saan nagsimula yung ilangan namin at hindi namin pagpansinan. Ngingitian ko sana siya pero agad siyang napabaling sa kaupo niya na si i Alliyah.


Wala ako masyado kausap dito sa room dahil kaunti lang naman sakin ang mga pamilyar. Kaya imbis na mag ingay ay hinintay ko nalang ang adviser namin.


"Good morning!" Masayang bati saamin ng adviser namin. "Bago natin simulan ang klase, siyempre mag iintroduce yourself na muna kayo." Sabi ng teacher namin.


Agad na nga nagsimula ang introduce yourself sa unahan nagsimula, at nung ako na ay pumunta ako na ako sa harap kahit nahihiya ay ngumiti ako sakanilang lahat.


" Good morning every one! My name is Jennifer Celeste Fleur. My habit is read a novel. Also, my motto is Loving Someone are like admiring a beautiful flower from afar but they decide not to pick it because they knew they can't take good care of it once they took them. That's all Thankyou. I hope we can be friends." Mahabang sabi ko na parang pageant ang sinalihan ko. Nag palakpakan naman sila at nagkantyawan dahil sa sinabi ko.


Sunod sunod ang pag iintroduce yourself namin pati sa mga subjects namin sa totoo lang naninibago ako dahil dito sa senior high school ay iba na ang mga teacher.


"Good morning Fellow Classmates. My name is Nelson Lairel Morcello. I actually dont know my habit. Thankyou!" Nakuha niya ang attention ko kanina pa. Ang gwapo niya at sobrang puti ng balat parang mas maputi pa saakin. Nalaman ko din na  tranferee siya dito.


"Okay. I arranged your chair," Sabi ng subject teacher namin sa Gen Math. Ang istrikta niya.


"Where's Nelson? And Alliyah?" Tanong ni maam saamin habang tinitignan niya ang attendance namin. Agad naman nila tinuro yung binanggit ni maam. "Dito kayo sa second raw, magkatabi kayo."


Agad naman sila tinukso ng mga ferson. Nilingon ko ang dalawa at bahagya pa ako nagulat ng nakatitig si Nelson saakin, agad ako umiwas ng tingin at humarap nalang kay maam.


Pagkatapos ng klase niya ay agad kami nagmeryenda 15 minutes lang ang break kaya kung kani kanino na lamang ako sumama para makapag meryenda.


Pagkatapos ng meryenda namin ay sumunod na ang subject naming oral comm. Napaawang ang labi ko nang pumasok si sir Rg. Makikita mo sakaniya na ang seryoso niya at bahagya pa siyang nakasalamin. Gwapo shit.


Habang nagbubunot siya ng index card ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan si sir Rg. No joke, napaka propesyonal niyang magsalita ng english hangang hanga ako sakaniya.


"Where's Miss, Jennifer Celeste Fleur?" Agad akong natauhan at kinabahan dahil binanggit niya ang aking pangalan. Napakasarap pakinggan. Agad akong nagtaas ng kamay, agad niya akong tinaasan ng kilay napara bang hinihintay na magpakilala ako.


"Goodmorning classmates and Sir Rodny," Bahagya pa siyang natigilan dahil sa pagka banggit ko ng una niyang pangalan. "My name is Jennifer Celeste Fleur. That's all." Wala na naubusan nako ng lakas.


"So Jennifer. In your opinion what can you say about Oral Comm?" Tanong ni Sir.


" Ang masasab–"


" I want in English." Seryoso niyang sabi. Agad akong natigilan at napaawang ang aking labi. Kinalma ko ang aking sarili dahil kinakabahan ako. Muntik nako mapairap sakaniya.


"Oral Communication is a process of sharing and conveying messages or information from one person to another within and across channels, contexts, media, and cultures." Sagot ko habang nakatitig sakaniya.


" That's all?" Taas kilay niyang tanong.


" Yes sir." Sabi ko habang nakaiwas na ang tingin hindi ko siya kayang titigan ng matagal.


"Good. Take your seat." Sabi niya na lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nakita ko na medyo madami ang nakatayo dahil sa question ni sir. Iba iba ang tanong niya sa bawat isa.


"Instead of wasting my time to wait your answers. May I introduce myself first." Hindi yun patanong parang alam niya na siya ang masusunod. Matagal din kasi sumagot ang iba kong kaklase dahil sa tanong ni sir kaya nasabi niya yun. Parang ang sama ng ugali niya.


Ops. Sorry sir.


"Most of you know me as a Sir Rg. So I've reveal my full name now." Aniya pa.


"I'm Rodny Giverson Garcilla."

"Gwapo pala ng pangalan mo sir bakit Sir Rg po tinatawag nila sayo?" Tanong ng isa kong kaklase.


"I actually didn't know," Nagkibit balikat pa si sir.


"But you can just call me Sir Rodny," Sinabi niya yun ng nakatingin saakin.


"Yes sir rodny," kinikilig na sabi ni camira. Naghiyawan nanaman ang mga kaklase ko. Natawa naman si sir kaya bahagya ako natigilan.


Tangina. Mas lalo siyang Gumwapo dahil sa ngiti niya.




To be continued....

Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now