Sa muli naming pagkikita alam kong marami ang nagbago sakaniya, nakita kong mas lalo siyang naging matured sa paningin ko. Hindi ko alam kung paano ko natapos ang pagpapakilala ko kanina sa harapan ng mga Co-teachers.
"Maam Jenn, naku naku magtrabaho ka nga 'wag matulala," Nang aasar na sabi ni Charlene. Inirapan ko naman siya.
"Ito na po madam," sarkastik na sabi ko at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa laptop ko.
I don't know how to act infront of him if we will see again.
"Hoy babaita! Sabi sakin ni Izara hnd daw siya makakapunta sa birthday mo," sabi ni charlene habang ang paningin ay nasa laptop niya, gumagawa yata lesson plan.
"Sabihin mo sakaniya na friendship over! At umalis na lang siya ulit, iwan tayo ulit. " Pairap na sabi ko.
" Sus parang mga teenager pa lang eh, " natatawang aniya pa. " May bulbol na nga mga pem–"
" Charlene! Baka may makarinig sayo! " sita ko sakaniya at pinandilatan ko pa siya ng mata. Ang babaita naman ay patawa tawa lang.
Napatingin ako sa isa ko pang katabi dahil narinig ko ang pagbungisngis niya awkward ko naman siyang nginitian. Hindi siya pamilyar saakin, baka bago siya dito.
"Hi sir? Bago ka din po dito?" Tanong ko.
"Medyo? 1 year na ako nagtuturo dito, " sagot niya. " Ah by the way I'm Zelensky Gallardo." Pagpapakilala niya.
"I'm Jennifer Celeste Fleur." Banggit ko din sa pangalan ko.
"Yeah I know, 'cause you introduce yourself infront of faculty room. " Awkward na lamang ako ngumiti sakaniya.
Gulantang ako na napalingon kay Sir Rodny dahil dumaan siya sa harapan ko, napatulala pa ako ng makita ng husto ang itsura niyang napakaseryoso. Kinakabahan pa ako dahil ang table niya ay na sa likod ko lamang.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil kinakabahan talaga ako at hindi ako maka focus sa ginagawa kong lesson plan. Parang nakatitig sa likod ko si Sir Rodny.
Kahit papaano ay may natapos din akong ginawang lesson plan kahit nanginginig ang mga kamay ko. Itutuloy ko na lang sa bahay, napansin ko fin na nag aalisan na ang mga co-teachers ko.
"Next time focus on your work, and dont gossip to your co-teachers." Gulat pa ako napatingin kay Sir Rodny dahil sa pag sasalita niya habang nag aayos na ng mga gamit niya. Napalingon lingon pa ako kung sino kausap niya pero wala at ako lang nmn ang kaharalp niya.
" Ako ba kausap mo?" Kunot noo kong tanong.
When he finished arranging his things, his cold gaze came to me and passed me by as if we didn't know each other. Sino ba naman kasi ako sakaniya, wala naman na talaga alam kong galit siya saakin dahil sa pang iiwan ko.
Nang makauwi kami ni charlene sa tinutuluyan namin ay kwinento ko ang nangyari saamin ni Rodny kanina.
"Ano bang expect mo sakaniya? Na sasalubungin ka ng mahigpit na yakap? Pagkatapos mo siyang iwan?" Takang tanong ni charlene. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago nag iwas ng tingin.
" Kinakabahan pa din ako sa presensya niya, hindi ko alam kung bakit alam kong matagal ko na siyang hindi mahal, " sabi ko. Pero sa loob loob ko ay parang nasaktan ako sa sinabi ko.
" Hindi mahal? Sa pinakikita mong ugali ngayon sakaniya eh parang mahal mo pa siya, " paratang niya sakin.
" Hindi na 'noh, kita ko naman na hindi niya na din ako mahal. "
" Di mo sure, " nakangisi niyang aniya.
" Ewan ko sayo! " pairap na sabi ko.
" What if mahal ka pa niya?" Naningkit pa ang kaniyang mata habang tinititigan ako.
"Ano naman?" Kunot noo kong tanong.
"Siyempre mamahalin mo ulit pabalik, kasi mahal ka pa eh," natatawang aniya.
"Hay nako, matulog kana maaga pa tayo bukas," sabi ko na lamang. Pero ang babaita hindi ako pinakinggan.
"Pero seryoso Jenn, kung kaya ka naman niya tustusan dati bakit nag ibang bansa ka pa?" Curious na tanong niya.
" Career. " ikling sagot ko. Rinig ko naman ang buntong hininga niya.
"Eh bakit hindi ka nag paalam kay Sir Rodny?" Takang tanong niya.
"Charlene matulog kana," pangungumbinsi ko.
"Ok po madam! Ayoko po pangunahan si sir Rodny ng dahilan mo kaya sige po goodnight po madam Jennifer," malokong aniya. Napailing na lamang ako sakaniya. Nahawa kay Izara.
Well. Speaking of Izara, buti nagparamdam pa ang babaita. Na explain niya na saamin lahat lahat kung bakit siya nawala ng biglaan at naintindihan naman namin iyon ni Charlene.
Pagkagising ko ay puyat na puyat pa ako dahil sa paggawa ng mga lesson plan. Ang hirap maging teacher ang daming pinapagawa pero ayos lang ginusto ko ito eh.
Habang naglalakad kami ni Charlene ay rinig namin ang hiyawan ng mga Co teachers sa faculty room kaya naman pagkatapos namin mag time in ay agad na kami nagtungo doon.
"Wala bang kiss diyan?" Kantyaw ng isang teacher at lahat ay nagtawanan.
Kita ko ang pagngiti nila sa isat isa na para bang matagal na silang may relasyon. Ang dami nanamang tanong sa utak ko, sila na ba? Naka move on na sakin si Sir Rod? Ang sakit naman yata niyon.
"Thank you Sir Rod," Pagngiting aniya ni Maam Lyza.
Rod... Ako lang dapat tumatawag sakaniya ng ganiyan.
Iniwas ko na lamang ang tingin sakanilang dalawa at agad na pumasok para pumunta sa aking table. Napabaling pa ang lahat saamin ng pumasok kami.
"Good morning Maam Jenn and Maam Charlene," bati ng mga Co teachers namin.
"Good morning," bati naming dalawa ni Charlene.
Saglit na nagtama ang tingin namin ni Sir Rod pero agad din ako nag iwas ng tingin.
"Ano na Sir Rod? Malapit na ang first sub natin, hindi mo pa din bibigyan ng kiss si Maam Lyza?" Aniya ng isang kasamahan namin.
Kantyaw nanaman ang naririnig ko sakanila, habang ako naman ay nag aayos ng gamit ko sa table. Naririndi na ako sa mga tili nila kaya ibinalik ko ang tingin ko sakanilang dalawa.
Sakto na pagtingin ko ay ang paghalik ni Sir Rod kay Maam Lyza sa pisngi. Halos mabingi ako sa hiyaw ng mga Co teachers namin lalo na yung mga babae.
Nagtama ang tingin namin ni Charlene kita ko sakaniya ang pagtataka dahil sa pinapakita kong emosyon ngayon. Agad ko siyang tinaasan ng kilay kaya umiwas na siya. Umiiling iling pa ang babaita.
Kinuha ko na ang laptop at chalk ko para pumunta na sa First Class ko. Wala akong panahon para tingnan pa silang dalawa. Dahil alam ko sa sarili ko na masakit.
I still love him. Kahit sobrang tagal na ng panahon ang nakalipas.
To be continued....
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...