Chapter 09

302 81 0
                                    

"Grabe nakaka frustrate na ha, ang dami dami pinapagawa ng mga teacher's. Tapos si maam lovelyn ang dami dami pinapagawa akala mo naman siya yung major natin," Asar na sabi ni Jhanice. Ang bida bida dito sa room. Ops sorry madumi talaga ang aking pag iisip. Paano ba naman kasi nakikipag compete siya kay Alyana, tinatanong lahat lahat kung ilan nakukuha niya sa mga quizzes namin.

"Kaya nga nakakaumay na."

"True, ganito pala ang buhay shs."

"Nakakapagod grabe na talaga."

"Mamatay nalang tayo lahat."

"Pati teachers."

Mga reklamo ng mga boys sa likod namin, pero nagtawanan kaming lahat dahil sa huling nagsalita, isali ba naman kasi pati teacher's.

"Gago, isumbong niyo nga," Lokong loko sabi ni Jaile.

"Joke lang naman eh, seryosohin niyo naman," Natatawang sabi ni Jace ang pinaka maingay sa room namin, literal na maghapon yan nagsasalita walang kapaguran kaya minsan naaasar nako sakaniya dahil nasa likod ko lamang siya at ang ingay ingay.

Habang nag aasaran ang mga classmates ko ay napatingin ako sa labas malapit kasi ako sa bintana kaya free ang hangin saakin dito. Kahit tirik ang araw ay nakikipagsabayan ang mga bulaklak at puno sa hangin.

"Tulala lang sa'aking kwarto~~" Pangkanta ni Jace at tinignan ko siya, saakin siya nakatingin at tinawanan ako. Kaya napatingin ang mga kaklase ko saakin at pinagtawanan ako. Tumitingin lang naman ako sa bintana bawal ba yun eh sa ang ganda ng tanawin.


"Ulol!" Sabi ko kay Jace. Tinawanan lang ako ng gago.

Napatingin ako sa katabi ko kasi naaamoy ko nanaman yung baho niya, what the fuck isang week niya sinusuot yung damit niya? Kada lunes lang ata wala siyang amoy tapos kinabukasan mabaho na hanggang biyernes.

Nakita ko pang tumabi si Nelson sa katabi kong lalaki, ang hilig na nila lumipat ng mga upuan hindi na nila sinusunod ang arrangement sitting kapag adviser ang nagturo saamin, pero kapag sa ibang mga subject ay sinusunod pa din naman namin. Sa adviser lang naman kami pasaway.

Tumayo pa itong katabi kong lalaki lalabas yata dumaan siya sa gilid ni nelson patalikod, nakita kong natigilan si Nelson para kasing may naamoy siyang mabaho napahawak si Nelson sa damit niya at nilagay yun sa ilong niya. Pinipigilan ko naman ang tawa ko pero napatingin pa din saakin si Nelson.

"Bakit? Tumatawa ka mag isa diyan," Nakakunot noong sabi ni Nelson. Kaya hindi ko mapigilan ang pagtawa ko.

"Hala, nabaliw na." Ngiwing sabi niya. Kinagat ko naman ang pang ibabang labi ko para hindi na matawa.

Nagulat ako ng lumipat siya ng upuan sa tabi ko, kinuha niya ang bag ng kaupo ko at nilagay niya doon sa pinag uupuan niya.

"Bakit mo nilipat? Diyan nakaupo si-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may tumapik tapik kay Nelson, yun yung lalaking kaupo ko.


" Dito ka muna men," Turo ni Nelson sa pinag uupuan niya kanina, wala namang nagawa ang lalaki kundi talikuran kami ng walang imik at duon nalang umupo. Tahimik niya talaga.


"Pakopya sa Quiz mamaya," Kindat na sabi ni Nelson saakin.


"Ang kapal mo! Bakit kasi hindi ka nagrereview?" Asar kong tanong sakaniya.


"Basic lang sakin yan," Kalmado niyang sabi.


"Wow, tingnan natin mamaya kung maka basic kapa," sarkastika kong sagot.


Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now