"Okay class meron akong good news at bad news," Sabi ng adviser namin. "Siyempre sa good news muna tayo."
"Merong magaganap na jhs and shs ball," Masayang sabi ni Maam. Naghiyawan naman kaming lahat dahil sa saya, may tumalon talon pa at kinikilig pa ang mga ibang babae. Basta ako naki 'yes' lang.
"Sa bad news naman ay hindi kasali ang mga grade 11." Malungkot na sabi ni Maam. Agad naman nawala ang ngiti namin at bumagsak ang balikat. Hindi kami kasali.
"Hindi enough ang badget ng school dahil madami kayo at hindi din kayo kakasya sa baranggay hall." Sabi ni Maam.
"Bakit kasi hindi nalang nila ginawang Senior high School Ball maam?" Nanghihinayang na tanong ni jhanice.
"Siyempre graduated at moving up sila, yung mga grade 12 aalis na kasi sila dito sa School at yung mga grade 10 naman ay hindi natin alam kung dito sila kukuha ng strand, kasi minsan yung mga iba lumilipat sila sa ibang school. Kaya memorable din nila ang magka jhs at shs prom." Paliwanag ni maam.
Pagkatapos niyon ay kaagad na din nag lecture si Maam, kami naman ay wala nang nagawa kahit pilitin namin si maam na sumali kami ay hindi pa din kami pinayagan. Ang sabi niya ay pag grade 12 nalang kami.
Well, its been month jusko napakabilis ng panahon nasa 2nd semester na nga kami eh, at mas lalong naging mahirap ang mga subjects namin at nadagdagan ng isang subject oh diba ang ganda talaga maging HUMSS.
Kapag merong okasyon ang School ay masaya naman kami kahit papaano ay makapag pahinga sa mga ginagawa sa room, ako naman ay tumitingin tingin lang kay sir rodny sa malayo alam ko din na tinitingnan niya ako minsan nagtatama ang paningin namin pero umiiwas ako ng tingin hindi ko siya kayang titigan ng matagal. Sobrang hirap pala kapag meron ka nagugustuhang tao pero hindi naman para sainyo ang panahon.
Hindi ko sinasabi kila Charlene at Izara na meron akong nagugustuhan na teacher, kasi alam ko naman lilipas din naman ito, paghanga lamang ang nararamdaman ko pero habang tumatagal ay mas lalo ko lamang nagugustuhan si sir rodny kahit anong iwas ko ay siya pa din hinahanap hanapnng sistema ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na teacher siya at studyante niya ako naabot niya na ang mga pangarap niya at ako naman ay nagsisimula pa lamang, kaya hindi kami pwede.
Alam kong madami pang mangyayari sa buhay ko, siya naman ay nalagpasan niya na ang mga problema niya at siguro pagdating ko ng college ay madami pa akong ma eencounter na tao.
"Jennifer? Nakikinig kaba?" Pagkuha saakin ng atensyon ni jhanice. Napakurap kurap naman ako at tumingin sakaniya bago tinignan ang mga ka grupo ko. Lalim palang iniisip ko.
"Oo, sorry ano nga ulit yung sinabi mo?" Sagot ko na lamang at nginitian siya.
"Diba ang sabi ni Maam Nathleen, tatanungin niya tayong lahat kapag mag dedefense tayo kaya dapat napag aralan niyo na ang topic natin at imemorize niyo na ang title natin." Pagsasabi ni Jhanice siya kasi ang leader at ako naman ang partner niya sa paggawa ng mga Chapter.
Tumango na lamang kami, kahit na aral ko naman yan 1week na kaya confident ako sa sarili ko na kahit anong itanong ng teacher namin sa Practical Research I ay alam ko ang isasagot ko.
Bukas na din ang defense namin kahit papaano ay kinakabahan din ako, pero kaunti lang kasi si Maam Nathleen lang naman yun, prinapractice lang kami para kapag nag grade 12 na daw kami ay alam namin ang gagawin.
Kinabukasan ay nag ayos na kami ng sarili namin at hinanda na din namin yung mga possible question. Kahapon kami nagbunutan kaya ang grupo namin ang mauuna na magprepresent, mabuti na din yun para matapos kaagad kasi ang mga ibang teacher ay nagtatambak nanaman ng project saamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/347108186-288-k113630.jpg)
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romantiek(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...