Chapter 19

262 55 0
                                    

"Prof, pwede po bang sa ibang school nalang?" Nag aalangan ko pang tanong.




"That's my final decision. Goodluck to your teaching journey. Goodbye." Aniya at umalis na ng room namin.



It's been  fucking 3 years, huh.



Kingina gusto ko magwala, makikita ko nanaman ba siya? siguro naman ay masaya na siya sa buhay niya o baka naman nakapag asawa na siya.





Simula nung natapos ang graduation noong grade 12 ako at yung pag uusap namin ay, bigla na lamang siya nawala na parang bula. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sakaniya, palihim akong pumupunta sa dati kong pinag aaralan para lang makita siya pero bigo ako lagi na umuuwi dahil hindi ko siya nakikita.





Nang magtungtong ako mg 2nd year college ay tinigilan ko na ang pagpunta sa dati kong school dahil wala din naman ako mapapala kasi hindi ko din naman siya nakikita. Tinetext at tinatawagan ko siya dati pero hindi ko na matawagan dahil blinock na ako, ang sama sama na ng loob ko sakaniya dahil nangako siya na liligawan ako pero naging bato naman. Mga lalaki nga naman.




"Hoy! Anong mukha yan," Pang bungad saakin ni Charlene.




"Wala!" Asar kong sabi. Ang lalim na pala ng isip ko hindi ko na pala namalayan.





Nandito ako sa kalenderya at kumakain, at bigla nalang sumulpot itong si Charlene. Well, ganoon naman kasi talaga ang routine namin kung sino nalang yung mauuna dito ay lalapitan nalang namin ang isat isa.




Si Izara naman ay bigla nalang din naglaho yun, noong 1st year college naman ay nakaka usap pa namin siya through phone, pero nung nag 2nd year college hanggang 4th year college ay wala na kaming balita sakaniya. Kaya naman dalawa nalang kami ni Charlene ang nagsasama.




"Dapat masaya ka! Kasi ako masaya ako! Akalain mo 'yun ma aassign ako sa dati nating paaralan," Excited na sabi niya.




" Ako din," Mahina kong sabi at napabuntong hininga. Tinignan ko naman si charlene na nanlalaki ang mata, pagdududahan ko na yata toh na sumanib si Izara sa katawan ni Charlene pero baka sabihan lang akong baliw. Totoo naman kasi kung ano ano nalang iniisip ko.





"Tingnan mo nga naman ang lakas ng tadhana saatin at magkasama ulit tayo, Eh bakit hindi ka masaya? Dapat masaya ka! Ma eexperience na natin ang ganoon!" Masayang sabi niya.





" Alam mo naman ang nangyari diba?" Sarkastika kong tanong.





" Bitter ka lang sabihin mo! " Natatawang sabi niya.





"Sa ibang school okay pa eh, pero sa pinag aralan natin nung high school tayo. Hays kainin nalang ako ng lupa." Na fru-frustrate kong sabi.





"Sakit ma ghost 'noh" Nang aasar niyang sabi at tinawanan ako.





"Ewan ko sayo!"






Lumipas pa ang mga araw at hinanda ko na din ang mga gamit ko na dadalhin ko, finally excited ko na maisuot ang uniform ng practice teacher.




Hindi ko na kailangan magpamasahe pa para makapunta sa UNHS dahil malapit lang naman saamin ito kaya kahit lalakadin ko nalang ay keri ko na.




Excited na kinakabahan ako, pero alam ko naman na magagawa ko ito dahil sa suporta na natatanggap ko sa aking magulang at kapatid.




Nitong mga nagdaan na araw ay napapansin ko si papa na late na lagi kung umuwi, pero hindi naman siya lasing at wala din problema nung magtanong kami ni kuya. Ang sabi niya lang ay may inaasikaso daw na importante kasama yung boss niya, kahmya hinayaan nalang namin.




Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now