"Nakakatakot siya ayoko na siya maging teacher," Ito nanaman si Izara na kahit may laman pang kanin ang bibig ay salita pa din ng salita.
"'Yang bunganga mo nga Izara, ayusin mo!" Asar na sabi ni Charlene.
"What?" Natatawang ani naman ni Izara. Inirapan lamang siya ni Charlene.
"Tapos ayon na nga, hindi lang teacher ang kinainisan ko pati si Cris." Pairap nanamang sabi ni Izara.
"Sinong Cris?" Sabay na tanong namin ni Charlene.
"Basta. Matalino 'yun sa Gen Math akala niya siya lang nakaka solve, syempre kaya ko din nmn noh nachambahan niya lang naman yung kanina. May nakalimutan lang nmn ako na formula isa lang naman yun, isa lang. Kaya namali ako, pero hayaan niyo na gwapo naman eh." Mahabang pang chismis ni Izara.
" Ay usapang Math, not interested agad." Sabi ni Charlene.
"Same," sabi ko naman. Nagkatinginan pa kami ni charlene at sabay na tumawa.
"Kaysa naman sainyo na ang alam puro characteristics." Pairap na sabi ni Izara. Buti hindi nahihilo ito kakairap.
"Ano ba kayong dalawa, ang KJ niyo. Ano ba ang nangyari sa mga room niyo chismis naman diyan." Pang eechos ulit ni Izara.
"Ayos naman." Bored na ani ni Charlene.
"Ayos lang din saakin." Inunahan ko na si Izara.
"Ano ba naman yan, wala man lang exciting part ha? " Asar na sabi ni Izara. Kinukulit nanaman kami, wala talagang kapaguran ang boses ng babae nato. Buti kaibigan ko eh.
"Meron akong crush sa room," Namumulang sabi ni charlene. Napangiwi naman ako pero itong si Izara jusko alam niyo na.
" Talaga? Baka kayo na magkatuluyan niyan o baka naman magtatanan na ba kayo?" Kinikilig na sabi ni Izara.
" Hoy Izara ano ka ba naman," Sita ko kay Izara. Tinawanan niya lang lang ako at tinuturo pa ang mukha ko. Nung sinamaan ko siya ng tingin tumahimik siya.
" Ganito kasi yan transferred si charl dito gwapo talaga eh tinanong ko siya kung bat nag transferred dito, ang sabi niya naman ay nag transferred din kasi ang mga kaibigan niyang dalawa dito," pagkwekwento ni Charlene.
" Kapag ako ba nag transferred sa ibang school sasama din kayo sakin?" Nakangising tanog ni Izara.
" Siyempre–" hindi na namin natapos dahil bigla nanaman sumabat si Izara.
" Oo ba yan?" Masayang tanong niya. Nagkatinginan kami ni Charlene at sabay na sumagot.
" Hindi!" Sabay na sabi namin ni charlene. Sabay sabay din kami tumawa. Sinisita pa nga kami ng mga naglalako dito sa canteen, maingay daw kami.
" Ang sama niyo," Nakangusong sabi ni Izara pero natawa nalang din.
" Ikaw Jenn? May kwento ka ba?" Tanong naman sakin ni charlene.
"Siyempre meron yan, maharot din ang isa na yan eh," Nangising sabi ni Izara at tinaas baba pa ang kilay.
"Meron din naman naka kuha ng attention ko, matangkad at maputi siya tapos gwapo kulot din ang buhok niya." Pang kwekwento ko .
"Oh tapos?" Sabay na sabi nilang dalawa. Para bang uhaw na uhaw sa chismis.
"Tapos ayun, nagtititigan kami pero ako yung umiiwas ng tingin hindi ko kinekeri yung pagtitig niya. Kada lingon ko nakatingin siya saakin. Siyempre naiilang din naman ako." dagdag ko pa.
"Crush mo?" Ngising aso na tanong ni Izara. Ganun din si charlene na hinihintay ang sagot ko.
"Slight. Gwapo eh," Pag aamin ko at natawa nalang.
" Ayiiee," Sabay na pang aasar nila kaya yung mga student ay napapatingin saamin. Kaagad ko nmn sinita ang dalawa.
"Meron pa akong kwent–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng merong tumikhim na lalaki sa gilid namin.
"Yes?" Mataray na tanong ni Izara. Lumingon ako sa tatlong lalaki at namukhaan ko kaagad ang isa sakanila yun yung crush ko na pinag uusapan lang namin. Nakatitig nanaman siya saakin kaya naiilang ako na nag iwas ng tingin.
"Kanina pa kayo tapos kumain, at ang dami daming tao na naghahanap ng bakanteng upuan," Sabi nung lalaki na nasa gitna gwapo siya at maputi din pero mas maputi pa din si Nelson.
"And so? Anong connect?" Mataray nanaman na sabi ni Izara. Jusko nakakahiya. Malamang naghahanap din sila ng mauupuan nila.
"Gusto na namin makaupo at makakain. So pwede na kayong umalis," Sabi naman nung nasa right side. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang sila nakita dito sa school. Mga transferre siguro.
"Aba't–" tatayo na sana si Izara para makipag away ng hilain na namin siya ni charlene palabas. Nakakahiya talaga.
"Ano ka ba kumalma ka nga, init init ng ulo mo mainit na nga ang panahon," Asar na sabi ko sakaniya.
"Bakit niyo ba ako pinigilan, sisikmuraan ko talaga yung mga lalake na yun lalo na si Cris!" Inis na sabi ni Izara.
" Omygad, kilala ko din ang isa sakanila. Si charl yung isa duon," sabat naman netong si charlene. Lumingon sila saakin kung kilala ko din ang isa sakanila.
" Kilala ko din yung isa sakanila si Nelson," Nasabi ko na lamang.
" Omygad, sila nga ang transferre dito," sabi ni charlene.
" Sila nga!" Sabay naming sabi ni Izara.
Pumunta na kami sa aming sariling classroom pagkatapos ng lunch time, wala pa naman masyadong ginagawa puro lang kami introduce yourself, sabagay first day pa lang naman.
Pagsapit ng hapon ay ang last subject namin ay PPG adviser ulit namin ang teacher, tatlo na ang subject namin sakaniya. Ang ginawa lang namin ay nag arrange si maam ng upuan namin girls, boys, girls, boys ang ayus ng pagkakaupo namin.
Nasa gilid ako ng bintana buti nalang dito ako napunta masarap ang simoy ng hangin, lalo na at hapon na. Ikaw ba naman kasi nakatira sa probinsya syempre maaliwalas at maganda ang pagkakalanghap ng simoy ng hangin.
Ang tahimik ng katabi ko, lalaki siya wala man lang siyang kinakausap. Ako aaminin ko tahimik ako pero hindi naman kasing lala ng katabi ko noh. Malakas ang boses ko pero siya mahinhin at hindi halos rinig ang sinasabi niya. Kaya kapag introduce yourself ay napaka tahimik namin para lang malaman ang pangalan niya.
Madami akong kaibigan at nakikisalamuha din ako sa mga kaklase ko, pero siya nandoon lang sa upuan niya at nakatulala. Lalim siguro ng problema niya.
"Sino naman gusto pumunta sa harap ng classroom natin?" Tanong ni Maam Lorraine. Adviser namin.
" Maam!" Nagtaas ng kamay si Alyana. Ganoon din ang ginawa ni Alliyah.
" Sino pa ang gusto? Dapat marami ang maglilinis sa harap medyo malawak ang lilinisan niyo," Ani ni maam. Nagtaas naman ng kamay ang ibang mga lalaki at kinuha naman ni maam.
" Isa pang babae," sabi ni maam. Ako wala pa akong zone, ang naiisip ko lang ngayon ay dapat maibalik ko ang pagkakaibigan namin ni Alyana. Ako na ang gagawa ng moves para magpansinan ulit kami. Namimiss ko na talaga siya.
"Maam ako po!" Agad akong nagtaas ng kamay. Ngumiti naman saakin si maam at napaligon pa ang iba kong kaklase. Pero kay alyana ko binaling ang aking tingin.
Nginitian ko siya na kaagad niya namang sinuklian din ng ngiti. I hope we can still be friends.
To be continued....
![](https://img.wattpad.com/cover/347108186-288-k113630.jpg)
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...