Chapter 28

44 10 0
                                    

"Good morning Sir Rod!" Maligayang pagbati ko sakaniya ng maabutan ko na nagpipirma siya sa logbook.



Gulat pa yata na napatingin saakin si Charlene dahil sa bigla kong pagpapapansin kay Rod. Bahala na wala na akong pakealam paninindigan ko ang pagsuyo kay Rod. Nagpirma na din ako at sumunod sakaniya.




"Saang room ka ngayon?" Pag tatanong ko sakaniya habang nakabuntot nanaman ako. Hindi ako kinibo.



"Nag breakfast kana? Gusto mo meryenda na muna tayo sa canteen? Treat ko." Pang eechos ko pa din sakaniya.



"I have so many things to do Miss Fleur." Sabi niya ng makapasok kami sa faculty room.



"Lesson plan ba?" 



"None of your business." Sabi niya at binuksan na kaagad yung laptop niya para abalain yung sarili.



Wala naman ako magagawa kundi mag stay nalang din sa table ko dahil wala naman na ako gagawin kase natapos ko na ang lesson plan ko kagabi pa.



Habang nanonood ako ng K Drama ay unti unti na din pumapasok ang mga  Co teachers namin. Natigil lang ako sa panononood ng ayain ni Maam Lyza si Rod.



"Sir Rod coffee muna tayo sa canteen," pang aaya ni Maam Lyza. Napabaling ako sakanilang dalawa.



" Yeah sure," napaawang ang labi ko dahil sa bilis ng pagtanggap niya, napatingin pa siya saakin at natigilan pero umiwas din ng tingin at lumabas kasama si Maam Lyza.



Tulala kong binalik ang aking paningin sa pinapanood ko sa laptop ko. Bakit kapag ako ang nag aaya ay ang bilis niya akong tanggihan pero si Maam Lyza mabilis niya namang tanggapin.



Nang mag tanghali ay inaya ko siya mag lunch, pero tutok pa din siya sa kaniyang ginagawa sa laptop niya.



"Kapag siguro si Maam Lyza ang nag aya sayo, ang bilis bilis mo nanaman tanggapin 'noh?" Sarkastika kong aniya. Napatigil siya sa pagtitipa at tinignan ako.



"Look Maam Jenn, if you're hungry then eat. Dont disturb me, because I have so many things to do." Formal na aniya.


Hiyang hiya naman ako dahil nagtratrabaho lang naman siya tapos ako ginaganito ko pa siya.


"Okay." Malungkot na aniya ko.



Dapat pala sinabayan ko nalang kanina si Charlene na kumain dahil nag aaya ang babaita.



Pagkatapos kong umorder ay umupo ako sa pinaka gilid, kakain na sana ako ng mapatingin sa entrance ng canteen dahil sabay nanaman si Sir Rod at Maam Lyza. Kinagat ko ang labi ko at bumaba ang paningin sa pagkain.



Nakakailang subo pa lang ako ng may magbaba ng pagkain sa harapan ko, nag angat ako ng tingin at nakita ko na nakakunot noo na nakatitig saakin si Sir Rod.



"Bakit nandito ka?" Takang tanong ko at lumingon lingon pa sa paligid para tingnan si Maam Lyza pero wala na siya.



"I thought you wanted me to join you eating?" Nakataas ang kilay niya ngayon. Agad naman ako ngumiti sakaniya at sinenyas siya na maupo sa harapan ko na kaagad niya namang ginawa.



"Buti sinabayan mo na ako," ngiting aniya ko.



"It because you looks like you're about to cry," aniya habang ang paningin ay na sa pagkain. Tumulis naman ang nguso ko.



"Atleast sinabayan mo ako," ngising aniya ko.



Hindi ko naman mapigilan na titigan ang mukha niya habang kumakain, hindi pa din talaga kumukupas ang gwapo niyang mukha at ang mala anghel niyang pangalan, kay sarap bigkasin ng paulit ulit.


Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now