Chapter 24

151 24 0
                                    

Sir Rodny Giverson Garcilla have a lowkey relationship on college student.

1k reacts               200 comments               400 share




'yan ang bumungad saaking facebook pagkagising ko sa umaga, naka post yun sa group page ng school. Meron din picture yung tumatakbo kami ni Rodny habang hawak ko siya sa kamay. Buti naka jacket ako sa picture at nakatago yung buhok ko sa sumbrero ng jacket ko.



Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig na din ako, paano nalang kung malaman nila? Ito na nga at dumating na ang kinakatakutan ko, wala akong magagawa kundi harapin ito. Nanghihina din ako sa mga nababasa kong comment galing sa ibang tao.



'ano yan? Sugar daddy? Wala na ba siyang pang tuition sa college niya? HAHAHA'


'nilandi niya lang siguro si sir para may pang tuition siya sa college niya.'


'Familiar saakin yung babae'


'ang landi naman naman nung babae'



'mukhang pera naman yang babae, pati teacher pinutos.'



Hindi ko na nakayanan pa ang mga sinasabi ng mga tao karamihan ay studyante sa school na pinagtratrabahuan ni Rodny.




Sir Rodny 'mahangin' Garcilla is calling...




"R-rodny."



"Hey baby, deactivate your account please." Mahinahon na sabi niya.




" Paano kung malaman nila na ako yun? Sa mga nakikitang kong comment sa facebook hinuhusgaan na nila ako, paano pa kaya kapag nalaman nila na ako yun?" nanghihinang sabi ko.




" Shh, baby dont worry aayusin ko itong gulo. Huwag ka na munang lalabas ng bahay niyo."




" Paano ang pag aaral ko?" Tanong ko.




" I can fetch you baby." Sabi niya.



" May trabaho ka, 'wag mong pabayaan trabaho mo para lang saakin."


" Ikaw sa lahat ang importante saakin Jennifer."



Natigilan naman ako sakaniyang sinabi, lahat nalang sakaniya ay ako ang importante para sakaniya.



"Baby?" Pag agaw pansin niya saakin.



"Hmm?"



" I love you." sabi niya.



" I love you Rodny." Sagot ko naman.




Pagkatapos ng tawag namin ay bumangon na din ako, linggo naman ngayon kaya mag stay nalang ako dito sa bahay.



"Kakain na Celeste!" Pagkakatok ni kuya sa pinto ko.



" Nandiyan na kuya Clerk!" Sigaw ko pabalik. Natawa pa ako ng mahina dahil nagrereklamo siya sa tinawag ko sakaniya.



"Humanda ka sakin paglabas mo diyan!" Pangtatakot niya.



Hindi ko na lamang siya pinansin at binilisan ko na lamang magtupi ng kumot ko. Pagkalabas ko ng kuwarto ko ay nasalubong ko yung masamang tingin ni kuya saakin. Nginitian ko naman siya ng alanganin.



"Morning." Mahinhin kong bati sakaniya. Inirapan lang ako ng mokong. Parang babae lang eh.



Sumunod na lamang ako sakaniya papunta sa kusina, naghahanda na daw ng umagahan si papa.


Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now