"Papa, kasali po ang SSG sa jhs and shs ball," Masaya kong sabi habang kumakain kami.
"Oh talaga? Kailan ba yan para makapag ipon na ako para sa susuotin mo," Nakangiting sabi ni papa sakin.
"Sa susunod na buwan po pero hindi pa sinabi ang date," sagot ko naman.
Tumango tango naman si papa, ang sabi niya pa saakin ay pag iipunan niya para may mabili akong maisusuot, mas lalo tuloy ako na excite. Siguro sila Izara at Charlene ang kasama kong bibili mas fashion silang dalawa na mamili ng mga damit napaka aesthethic ba naman.
"Meron nga pala akong bagong trabaho mga anak," Sabi ni papa saamin ni kuya.
"Ano po yun pa?" Tanong naman ni kuya. Ako naman ay patuloy lamang sa pagkain.
"Meron kasi akong tinulungan na dalawang matanda kanina dahil muntik na ma holdap, siyempre makisig pa ang papa niyo kayang kaya pa ang lahat," Kwento ni papa.
"Tapos 'yun sabi niya gagawin niya akong personal driver," Masayang dagdag pa ni papa. Napakunot noo naman ako dahil hindi ko naman alam na marunong siya mag drive ng kotse.
"Marunong ka 'pa?" Takang tanong ko.
"Oo naman, naalala mo yung kwinento ko sayo dati na dalawa kami ng kuya mo nagdedeliver ng mga bigas, tapos kotse yung gamit namin ng kuya mo pinaheram nung boss ko." Mahabang kwento ulit ni papa.
Napakamot naman ako sa ulo ko ng maalala, kaya tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi na ako mahihirapan sa pamamasada, ang swerte ko nga eh mukhang mayaman yung amo ko, pati yung anak niya kanina napakabait napagkamalan ko pang high school pa lang siya pero teacher na pala." Natatawang kwento pa ulit ni papa.
Sana nga at magtuloy tuloy ang swerte namin sa buhay, mukhang masaya naman si papa sa trabaho niya ngayon kaya pinabayaan na lamang namin ni kuya. Kasiyahan niya yun eh at alam kong para din saamin yung mga pinagtratrabaho-an niya.
Lumipas pa ang mga panahon at malapit na nga ang jhs and shs ball, nalaman ng mga classmates namin na kasali ang SSG kaya naman napa sana all na lang sila.
"Anong kulay ang gusto niyong bilhin?" Tanong ni Charlene.
"Gusto ko purple," Na eexcite na sabi ni Izara. Napatingin pa silang dalawa saakin.
"Siguro black? White? Pink? Ewan," Kibit balikat ko namang sabi.
"Kami ang maghahanap para sayo Jennifer baka pang manang pa ang mapili mo," Nakangiwing sabi ni Charlene. Tinawanan ko na lamang sila.
Naibigay na pala ni papa yung pambili ko ng susuotin ko, hindi nga ako makapaniwala na 20k yung binigay niya saakin, ang sabi ko naman ay simpleng dress lang naman ang bibilhin ko pero binigay pa din ni papa saakin yung pera. Nalula naman ako sa sweldo ni papa 50k kada 1 month, hindi talaga ako makapaniwala dahil yung mga ganyan ay nababasa ko lamang sa libro, pero ang mangyari sa real life nakaka imposible. Pero nangyari na kaya wala na akong magagawa.
Nag iikot ikot kami nila izara at charlene dito sa palengke kung meron kami makikitang pang formal na dress na dress na pang senior ball, pero wala. Hanggang sa napadaan na lamang kami sa may boutique kaya naman pumasok kami doon.
"Bagay ba saakin ito?" Masayang tanong ni Izara habang pinapakita niya saamin yung nakita niya na kulay purple dress merong slit yun sa may bandang right legs.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Roman d'amour(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...