Chapter 15

262 58 0
                                    

"Happy Valentines Day! Ang unang games ay magbibigay ang mga SSG officer ng kalahating shape na puso, nasa 10 member lang yan kaya hindi lahat ay mapipilit." Sabi ng bagong SSG President. Naghiyawan naman ang mga tao at nagkakantyawan pa ang iba.




Ngayong taon ay hindi na ako nakasali sa SSG, ganoon talaga may nanalo at natatalo. Okay lang naman saakin 'yun para wala na akong iisipin.




Nakita ko na ang mga SSG officer na nagbibigay ng mga shape na kalahating puso meron yung broken, cupid, etc. Marami ang tumatanggi at tumatakbo para lang hindi sila mabigyan ng ganoon. Medyo madami dami din ang sumali sa jhs, pagkatapos niyon ay pumunta naman ang mga ssg officer dito saaming shs.





"Jennifer, sali ka." Bulong saakin ni Izara habang ang paningin niya ay nandoon sa mga ssg officer na nagbibigay sa grade 11.




" Ayoko, ikaw na lang." Tanggi ko kaagad.



" Sige na, malay mo mahanap mo diyan yung para sayo," ngising sabi niya pa at kinindatan ako.



" Alyana dito!" Pagsigaw ni Izara. Nanlaki naman ang mata ko at pipigilan na sana siya ng tumakbo na siya kay alyana para humingi ng puso doon. Napasapo nalang ako sa noo ko, well ayan nanalo pala si alyana dahil madami dami din ang nakakakilala sakaniya dito sa campus.




"Oh ayan! Sali ka," Excited na binigay saakin ni Izara iyon. Ako naman ay umiwas doon dahil ayoko talaga.




"Isa, ayoko!" Asar na sabi ko.



"Ayaw mo talaga?" Ngising sabi ni Izara.


" Kung ayaw mo sige, magchecheer kami ni Izara dito para mapapayag ka," Natatawang sabi naman ni Charlene. Shit pinagtutulungan talaga nila akong tatlo.



" 1 - 2- 3-"



" Oo na! Oo na! Sasali na! " Asar kong sabi sakanila at kinuha yung shape na puso na hawak ni Izara. Nag apir naman ang dalawa na parang nanalo sa loto.





"Sa mga nabigyan na ay pwede na kayong mag proceed dito sa harapan," nakangiting sabi ng Ssg president.




Kahit nahihiya ay pumunta na ako doon sa harapan, ang init init ng panahon mukhang mabibilad pa ako dito kaasar.




"Paalala lang po sa lahat, na laro laro lang po ito. Baka mamaya ay meron ng nag aabang sa gate ng school at doon mag sabunutan at mag away." Natatawang sabi niya pa. Nag agree naman ang lahat sakaniya.



"Okay lets begin! Hanapin niyo kung sino yung nawawalang partner ng mga hawak niyong shape na puso!" Masayang pang uutos ng president.



Basic lang naman pala yung inuutos eh, hahanapin lang yung ka partner buti naman kung ganoon lang. Linibot ko ko na ang paningin ko sa mga hawak ng iba at tinitignan kung may kaparehas ako.



"Jenn," kalabit saakin ni-Nelson nung lumingon ako sakaniya. Napababa ang tingin ko sa hawak niyang shape na puso kaya naman nagliwanag ang mukha ko. Hindi ko naman alam na kasali siya dito.



"Hala, same tayo!" Masayang sabi ko at pinagdugtong yung broken heart na hawak namin.



"Kung nahanap niyo na ang ka partner ninyo ay pumunta lang kayo dito sa stage," nakangiting sabi ng president.



Kaya naman nagtinginan kami ni nelson at tumango sa isat isa bago pumunta doon sa stage, habang paakyat kami ay nasalubong ko pa ang tingin ni Sir Rodny napabuntong hininga na lamang ako dahil sa bored niyang ekspresyon bago ako nag iwas ng tingin.



Loving You From Afar | CompletedWhere stories live. Discover now