"Jennifer!" Someone called me. Kaya iniangat ko ang aking ulo dahil na sa cellphone ang paningin ko. Nandiyan na pala ang dalawang kaibigan ko.
"Hala, mas lalo ka gumanda ngayon at pumayat ka din," Manghang mangha na sabi ng kaibigan ko.
"Hindi naman mas mapayat ka pa din naman sakin Izara," Mahinhin ko na sabi. Tinawanan niya ako, kaya nagtaka naman ako.
"Gumanda ka nga ngayon pero ang hinhin mo pa din at ang inosente, jusko Jennifer gragraduate na tayo ng grade 10." Sabat naman nitong si Charlene.
Napasimangot na lamang ako sakanila kaya pinagtawanan ulit nila ako. Parang kailan lang grade 8 palang kami noong Face to Face, tapos ngayon magiging grade 11 na dahil nag Lockdown before. Kaya ang ginawa nila ay pinag modular kami 2 years din ang nakakalipas niyon.
Nandito kami ngayon sa School dahil magprapractice kami ng pang graduation namin. Ilang sandali lang ay pinaglinya na kaming lahat na grade 10 dahil pupunta kami sa baranggay hall. Doon gaganapin graduation day namin.
Habang nakaupo kami saaming mga piyesto ay ang ingay ingay namin, lalo na yung mga nasa likod namin dahil ibang section na grade 10 yun. Mukhang nagalit yung buntis na teacher, hindi ko siya kilala ngayon ko lang siya nakita dito.
Hay, madami na talagang nagbago.
"Bakit ang ingay ingay ninyo?!! Naka upo na nga lang kayo diyan ang ingay ingay niyo pa! May marinig pa ako salita ng salita diyan ipapahiya ko na kayo!" Namangha naman ako sa kaangasan niya, at natakot din dahil sobrang lakas ng kaniyang boses kaya lahat kami ay napatahimik.
"Grabe ang sungit niya, ngayon ko lang siya nakita dito sa school natin," bulong sakin ni Izara.
"Ako din naman," bulong ko pabalik. Natahimik kami ng magsimula na kami mag practice.
Maghapon kami nag practice kaya sobrang busy namin at wala din naman kaming sinayang na oras ng mga kaibigan ko dahil nag bonding kami at hindi na maiwanan ang isat isa.
"Uwian na, mamimiss ko nanaman kayo," Kunwaring malungkot na aniya ni Izara.
"Huwag mo kami dramahan 1week ang practice natin monday palang ngayon," pairap na sabi ni charlene.
" Oo nga naman madami pang araw at oras para magsama sama ulit tayo," nagtataka na sabi ko. Narinig ko nanaman ang kanilang tawa kaya napasimangot nanaman ako.
" Ang cute mo talaga Jenn, kaya ikaw ang favoritism naming kaibigan eh. Inosente," aniya ni Izara. Kaya natawa nalang kaming tatlo at nagpaalam na sa isat isa.
Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil 7:30 ang practice namin, pero pagdating ko duon ay ang konti pa lang ng tao at pinaglilinis din sila kaya nakitulong na din ako.
"Saan kayo pupunta, Diego and Russel?!" Napatingin ako sa lalakeng teacher. Mukhang galit kay aga aga.
"Bibili lang sir Rg" Sabi nung isa sakanila. Agad namang nagunot noo si sir.
"Bibili? Ang aga aga, hnd pa kayo nakapag linis!" Inis na sabi ni sir. Walang nagawa ang dalawa kundi bumalik sa paglilinis, ako naman ay natulala kay sir kaya nung nagtama paningin namin ay agad akong umiwas ng tingin.
Teacher yan Jennifer.
Wala kaming ginawa kundi puro kami practice sa moving up namin at kapag grade 12 na ang nagprapractice ay pinaglilinis kami kung saan gaganapin ang moving up at graduation, hays nakakapagod.
Lumipas pa ang mga araw at moving up na namin, napakasimple ng ayos pero memorable para saaming mga studyante na mag moving up at yung mga gragraduate.
"Picture tayong tatlo,grabe mag momoving up na tayo!" Masayang sabi ni Izara. Agad din naman kami nag picture.
Masaya na may halong lungkot ako na nararamdaman pa'no ba naman hindi ko man lang malapitan at makausap ang matagal ko nang kaibigan na si Alyana. No contacts, no chat and no interaction.
"Napapansin niyo din pa si sir Rg? Siya yung bagong teacher dito, i mean marami namang bagong teacher pero nakuha niya attention ko," chismosang sabi ni Izara.
"Minsan," bored na sabi ni charlene. Nung hindi ako sumagot ay tumingin sila sakin.
"Once lang saakin," sabi ko nalang.
"Once?! Eh siya yung adviser ng 10-Tulip, lagi natin siya nakakasama dito sa pag practice,tapos sasabihin mo once mo lang siya napansin, eh halos crush na yan ng bayan," OA na sabi nanaman ni Izara.
" Wala naman akong interest sa mga lalake ngayon Izara,at teacher si sir Rg ang laki ng agwat noh, ayaw ko sa teacher," sabi ko.
" Huwaw Jennifer, wala naman ako sinabing papatulan mo," nangaasar na sabi niya. Kaya pati si charlene ay naki asar na din kaya sumimangot ako na ikinatawa nila.
" Halika pakilala kita," Masayang pang aaya ni Izara. Nanlaki naman ang mata ko at agad na umiling sakanila. Malakas naman sila tumawa kaya ang ibang classmate namin ay napapatingin saamin. Kaagad ko naman sila sinaway.
"Joke lang ano ka ba, tara mag papicture tayo sakaniya," aya ulit ni Izara.
"Huwag na, kayo nalang," tanggi ko. Pero hinila pa rin nila ako kaya wala akong nagawa.
"Hi sir, pwede po pa picture?" Mahinhin na sabi ni Izara. Tinignan naman kami isa isa ni sir Rg at nailang naman ako ng titigan ko siya pabalik kaya ako agad ang umiwas ng tingin.
Teacher yan Jennifer. Huwag kang mahumaling.
"Yeah sure," Sabi ni sir Rg at nginitian kami.
Inilabas na nga ni Izara ang cellphone niya at nag papapicture na sila kay sir Rg ako naman ay pinapanood nalang sila. Pero itong si Izara ay napansin pa din ako at pinilit ako makipag picture kaya wala na ako nagawa kundi makisali na lang din.
"Ah sir pwede po magtanong?" Nahihiyang sabi ni Izara. Napaka bunganga talaga jusko.
"Yes?" Parang hinihintay ni sir rg kung ano itatanong ni Izara.
"Ano pong full name ng Rg niyo?" Makapal na tanong ulit ni Izara.
"You can just call me Sir Rodny. Thats all. " Pagkatapos niyon ay agad niya kami tinalikuran.
To be continued....
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Storie d'amore(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...