Buti nalang at friday na ngayon at grabe sobrang iwas na iwas ako kay sir rodny. Kapag nagpapa exit assessment siya ay hindi ko siya pinapansin, hindi ko din alam kung bakit natigil siyang pag initan ako sa room dati kasi ako tinatawag niya sa recitation pero ngayon ay iba naman. Buti na din yun ayoko pa naman mapahiya.
Nandito ako sa zone namin at kasama ko sila Alyana at Alliyah, nagchichismisan ang dalawa at ako naman ay nakikinig na lamang sakanila.
"Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw niya saakin, tapos minsan nakikipag plastikan pa siya," Pagkwekwento ni Alyana kay Alliyah.
"Ay totoo yan, talaga naman na pakitang tao yan eh huwag niyong kakausapin yan jusko talagang mapapa shit kayo sa ugali niyan," Pagsasali ko sa usapan nila habang nakatingin duon sa cellphone ni alyana meron duon yung picture na pinapakita niya kay alliyah. Nagulat pa yata silang dalawa saakin.
"Kaya naman pala," Naiiling na sabi ni alyana.
"Oo talaga," Pag sasang ayon ko pa ulit.
" Chismosa ka talaga Jenn," Natatawang sabi ni Alliyah.
" Uy, hindi naman pero pwede na yun kasi nga diba HUMSS tayo kaya dapat talaga na maging mautak tayo sa pagchichismis," Nakangisi ko pa na sabi na ikinatawa nila. Lumalabas nanaman ang pagkabunganga ko.
"Sabagay, anong silbi ng pag HUMSS natin kung hindi tayo chismosa," Sabi pa ni Alyana, kaya naman natawa nalang kaming tatlo.
"Tara na nga, time na eh," Pang aaya ni Alyana. Kaagad naman kami tumayo ni Alliyah at sumunod sakaniya.
Buti at kinakausap na nila ako, nawala na din yung awkwardness sa pagitan namin ni Alyana. Madami pa kaming napag usapan sa room pero puro mga chismis na lamang, hanggang sa hinintay na lang din namin yung 1st subject teacher namin.
Patagal ng patagal ay naging busy na kami saaming ginagawa dahil nag uumpisa nang magtambak ng mga assignment at activity ang mga subject teacher namin. Buti na lang hindi nag pa exit assessment si sir rodny, kami naman tuwang tuwa na lumabas ng room. Iniiwasan ko na nga siya eh pero malapit talaga ang tadhana saamin.
"Sinong lalagpas sa junior high school? Can anyone please help me this things," Pagtutukoy niya sa tatlong maliit na board. Nagpa group activity siya kanina saamin at 'di namin namalayan yung oras overtime na pala kaya wala ng exit assessment.
Agad naman ako umiwas ng tingin dahil sa junior high school ang punta ko dahil nandoon si Izara at Charlene. Nung tumalikod ako kay sir para lang makaiwas ay nagtama ang paningin namin ni Jhanice. Huwag ako please.
"Sir si Jennifer pupunta yan dun sa jhs," Pagsasabi ni jhanice at hinila pa ako papunta duon sa harap kay sir. Napakagat ako ng labi ng magtama ang paningin namin pero kaagad din ako umiwas.
"In my faculty room," Formal na sabi ni sir. Kinuha ko na lamang yun at kaagad na lumabas ng room ako pa talaga ang nauna kaysa kay sir. Kaagad ako napahinto ng may maisip.
"Ah sir saan po banda yung table niyo sa faculty room?" Formal din na tanong ko. Lumingon kasi ako sa likod niya, alam ko na nasunod siya saakin.
"Follow me," Maikling sabi na niya lang at siya na ang nauna naglakad. Sinundan ko na lamang siya, hanggang sa nakapunta kami na kami sa loob ng faculty room ay nagulat ako dahil wala yung mga teacher. Nasaan ang mga iyon.
"Pakilagay nalang diyan, Miss Fleur." Tinuro pa ni sir yung table niya. Kaagad ko naman nilagay yung tatlong maliit na board.
"Ah sir yung sinabi ko po sainyo nung isang nakaraan, joke lang po iyon," Kinakabahan kong sabi.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Lãng mạn(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...