"Let's go?" Bungad ng umaga ko ay ang pagdating ni Zelensky. Tumango naman ako sakaniya at agad na sumasakay sa NMAX niya.
Buong biyahe ay tahimik lang kami dahil naka motor siya at naka helmet pa kami kaya hindi din lang naman namin rinig ang isat isa kaya hindi na kami nagsalita.
Wala akong ideya kung saan kami pupunta kaya tinitingnan ko nalang ang paligid na dinadaaran namin. Nagiging pamilyar na ang pinupuntahan namin kaya alam ko na kung ano ang una naming pupuntahan.
Balai Gloria.
Kung saan maraming kumakain, at binabalik balikan ng mga tao.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya ng makaupo kami sa dalawang upuan lang. Kaagad din kami binigyan ng menu ng cashier.
"Gusto ko ng pancit batil patong sir Zelensky," agad na sabi ko ng makita iyon sa menu dahil yun ang pinaka favorite ko. Narinig ko naman siya na matawa.
"Oh come on Miss Jenn, 'wag mo na akong tawaging Sir kung wala tayo sa trabaho. Just call me Zel," aniya.
"Okay Zel," sabi ko na lamang.
"Ayaw mo bang kumain ng kanin?" Tanong niya. Umiling naman ako.
"Kumain na ako kanina eh," sagot ko. Tumango naman siya.
"Where do you want to go after this?" Tanong niya ulit.
"Hindi ko din alam, ikaw nag aya dapat alam mo kung saan tayo pupunta," natatawa kong sabi.
"Okay i get it," natatawa niya ding sabi.
Natigil kami mag usap ng reserve na saamin ang inorder namin, nagsimula na 'rin kami kumain at kwentuhan kapag trip namin. Actually, hindi mahirap kasama si Zel dahil napaka masiyahin niyang kasama.
Pagkatapos kumain ay pumunta na agad kami sa Centro Mall para mamili daw ng damit. Nag agree na lang ako kahit kulang ang budget na dala ko, hindi nalang ako bibili para tipid.
Ang dami kong pinasukat sakaniyang mga damit at kinukuha niya naman 'yun, sanaol mayaman. Napapadaan pa kami sa mga stuffed toy at nagugustuhan ko ang mga 'yun.
"Do you want that?" Tanong ni Zel nang mapansin ang pagtitig ko sa stuffed toy.
" Huwag na nakakahiya, binilhan mo na ako ng dress kanina—"
"I insist Miss Jenn," kindat niya sakin kaya natawa nalang ako at hinayaan na lang siya.
Pagod na pagod kami kakalakad dito sa Mall kaya naman bumili na muna kami ng milktea. Isa pa 'toh sa mga favorite ko eh. Habang naglalakad at sumisipsip sa straw ay may biglang nakita si Zel na booth.
"Tara sa photo booth tayo," parang bata na excited niya pang sabi.
"Ha? Ayoko diyan hindi naman ako photogenic," tanggi ko agad.
"Ang ganda mo kaya Miss," ningitian niya pa ako at biglang hinatak sa photo booth.
"Smile!"
Inakbayan niya ako at pinilit na pangitiin kaya ginawa ko nalang. Sa sunod na picture naman ay nag peace kaming dalawa. Pagkatapos niyon ay kita ko sa mga picture ni Zel na nakaduling pa habang nakanguso at ako naman ay tumatawa.
"Aanhin mo 'yang picture?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Well, remembrance lang kung sakaling hindi mo ako magustuhan." Aniya na nakangiti. Napaiwas naman ako ng tingin.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romansa(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...