"What you saw earlier. It was nothing," pag eexplain niya kaagad ng bumalik ako sa pagkakaupo sa duyan at nasa harap ko naman siya na nakaluhod.
"Okay lang naman, alam kong gusto ka ni Maam Lyza kaya wala akong magagawa doon," mahinang sabi ko. Napahinga naman ng malamin si Sir Rodny.
"Yeah and Im sorry for that." Hinging tawad niya.
"Bakit kaba nagso-sorry? Wala ka namang ginagawang masama immatured lang siguro ako." Sabi ko pa.
"Huh? Sorry kasi ang gwapo ko kaya madami ang umaaligid saakin." Nakangising sabi niya. Natawa naman ako ng mahina.
"Hangin mo naman Sir Rodny," nakanguso kong aniya.
" But what do you mean, immatured?" Pagbabalik niya ng topic.
" Ako immatured madali akong magselos," Nakaiwas tingin kong aniya.
"Selosa pala future girlfriend ko," loko-loko niyang sabi kaya napatingin ako sakaniya at ayon na nga nakangisi nanaman. Kaasar.
"Parang hindi ka naman seloso," bulong ko.
"I know Im a jealous person, ayaw ko kasi ng may kahati."
" Ako din naman." Sabi ko kaya nagkatinginan kami at sabay na natawa.
" Possessive ha," nakangisi niyang aniya pero nagseryoso din ang mukha. " Sabay tayo mag mamatured sa relasyon na bubuuin natin Miss Fleur." Dagdag niya na napakaseryoso.
Alam ko namang matured na siya eh, pero ewan ko lang sa pag ibig. Pero paano niya nalaman na nandito ako, akmang magsasalita na ako ng tumayo na siya.
"Tara na magsisimula na ang practice ninyo." Aya niya.
" Ha? Eh mauna kana baka may makakita saatin," taranta kong sabi. Tinaasan niya naman ako ng kilay pero nilabanan ko lang ang titig niya saakin.
" Fine." Pagsuko niya at siya na ang naunang lumabas.
Naghintay pa ako ng mga ilang minuto bago mag desisyon na lumabas na din.
Pagkapasok ko sa hall ay tumabi kaagad ako kila izara at charlene, yung mga mata nila na ang sarap tusukin dahil sa mapapanuring tingin nila saakin.
"Bakit?" Inosente kong tanong.
"Kunwari pa eh, nag usap kayo 'noh?" Tanong ni Izara.
"Oo," agad kong sabi at hindi na sila pinansin dahil alam kong aasarun lang ako ng dalawang 'toh buti natitiis ko pa ugali nila eh, sa sobrang haba ba naman ng pasensya ko.
1 week din kami nag practice ng aming papalapit na graduation, ang bilis lang ng panahon sa susunod ay college na ako grabe hindi pa din ako makapaniwala na napag daanan ko lahat sa high school life ko, mahirap pero kinakaya para sa sarili at sa magulang ko.
Alam ko madami pa ang pagsubok ang haharapin ko sa aking buhay, nakakatakot parang gusto ko na lang ma stock sa pagkabata ko eh. Pero alam ko naman na sa pagsubok na dadating saakin ay worth it lahat basta maabot ko ang pangarap ko.
"Tulala ka nanaman, magsisimula na ang graduation natin," agaw pansin saakin ni Izara. Bago ako makasagot ay pumunta na siya sa puwesto niya.
Nagpunta na nga kami sa kanya kanya naming section at pumila na, pa alphabetical ang saamin. Shit kinakabahan talaga ako mamaya, lalo pa at ni message ako ni Sir Rodny kanina na kapag natapos daw ang graduation namin ay magkita kami sa likod ng hall kung saan ako tumambay dati.
![](https://img.wattpad.com/cover/347108186-288-k113630.jpg)
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...