We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 7

12.1K 308 33
                                        


A/N: I want to be clear as the author of this story. I DO NOT support pedophilia or grooming in any form. If my story disturbs you  or causes any traumatic events, and harms your well-being, please take care of yourself and stop reading. Your safety and peace of mind are what matters most to me. I am sincerely apologizing for that.

This was never my INTENTION. I wrote this story when I was only sixteen, and everything in it was created purely for the plot and storytelling. None of it is meant to promote, normalize, or justify harmful behavior.

This is purely work of FICTION a product of my imagination and it does not reflect any real-world beliefs, values, or situations. I sincerely apologize if any part of the story makes some of you UNCOMFORTABLE. I hope you understand, and please respect the space where stories remain FICTIONAL



THANK YOU!







______________





Before...

Napabuntong hininga nalang ako; nilingon naman ako ni Luke. ”Hoy, ang baho ng hininga mo ha!” pang aasar niya sa akin.

Lumapit si Luke ng bahagya. “Bakit kanina ka pa, parang disappointed dyan? Hindi ka na ba masaya sa buhay?”  dagdag niya pa.



Ngumuso ako sa kaniya. “Gusto ko kasi maging ka-close si Ma'am Sam, pero mukhang malabo iyon mangyari." malungkot kong tugon.


Tumanaw naman si Luke sa gawi nung tinutukoy ko at tumango ito.

“Oo talaga, ikaw hampaslupa, siya nakakataas, at saka tingnan mo naman oh,” tinuro niya ang ilang mga kabataan.

“Ano?"

“Ang mga may kaya o mayaman  sa youth lang ang may lakas ng loob lumalapit sa kaniya. Hindi tayo bagay doon.” nahinto ito sandali at ako naman ang tiningnan.

“Kung gusto mo siyang lapitan ay pu-pwede iyon, Saji. Pero ang pangarapin na maging kaibigan siya ay itulog mo nalang, dahil imposibleng mangyari iyon.” natatawang sabi niya sa akin.


Inirapan ko siya. “Mas hampaslupa ka sa akin, Luke!” Sabi ko at kinurot siya, gumanti naman ito nang pitikin niya ako sa aking noo.


“Aray, putcha ka!" daing niya.

Tumawa nalang ako sa kaniya. May lahing Chinese si Luke, maagang naulila dahil ang Nanay niya at Stepfather ay namatay sa isang aksidente. Ang tunay naman niyang ama na Chinese ay hindi niya kilala o wala siyang balita?


Naituon ko na lang ang atensyon sa pila, kaya natahimik nalang kami at hindi na muling nilingon ang grupo kung nasaan si Ma'am Sam.

Sa ilalim kami ng punong mangga kami kumain ni Luke dahil mahirap kumain nang walang lamesa. Tanging monoblock lang kasi ang afford ngayon ng parokya, ang nag-iisang lamesang mahaba naman ay para sa mga mahahalagang tao gaya ni Fr. Nuel.

May sementadong lamesa rito at upuan, ngunit medyo ilang hakbang na ang layo mula sa tent kung saan naroon ang ibang mga kumakain kabataan at ibang miyembro ng simbahan.


Tahimik dito at mas mahangin.

“Saji, pahingi ngang tubig.” utos ni Luke sa akin hindi halos malinaw iyon dahil puno ang kaniyang bibig.


Inilayo ko ang tubig sa kaniya. “Ayaw ko, kumuha ka roon ng sa'yo!” pagdadamot ko sa kanya at inilayo pa ang tubig sa kanya, nilipat ko ito sa kabilang lamesa.


“Hoy, dali na kasi Saji! Mamatay na ako!" nahihirapang sabi niya, umaarte pa dahil nakahawak sa leeg niya.


“Sige, mamatay ka lang. Ako na bahala sa kape sa burial mo." ngising sabi ko.

Knock Again, Professor [GL• #1]Stories to obsess over. Discover now