Chapter 1

11K 168 7
                                        


"I heard we have a new professor, Saji?" Chan spoke while we were walking towards our building.

"Oum, okay?"

"Sana hindi terror-" nahinto siya nung may marinig mula sa kasalubong naming mga kaklase.


"Sis, balita ko matandang dalaga raw bago nating, prof." sabi nito.


"Ay, 'tsaka narinig ko rin mula sa admin, strict ito at ten times worst sa pinalitan niyang si prof Ian." natatakot na wika naman nung isa pa.


"Hala, nabati iyong panalangin ko." Chan dramatically said. "Sana 'di na ako umulit ngayong sem." she whispered.

"Magdasal ka na lang, na hindi ka na muli makatanggap ng singko." pang aasar ko sa kanya, she glared at me.


"Mabuti ikaw, matalino." inirapan niya ako.


"I am not, masipag lang," I humbly said.


Hindi na niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa aming designated classroom. It was filled with my noisy classmates, at ang iba naman ay nasa MacBook nila ang attention.


Maingat kong inilapag ang laptop ko na pinaglumaan ni Chan, wala kasi akong pambili pa ng bago at hindi rin sapat ang pera na sustento sa akin nung nag-scholar sa akin at kita ko sa coffeeshop.


I just took a deep sigh at sandaling ipinahinga ang ulo, antok na antok pa ako, kulang ang tatlong oras na tulog ko, gabi na rin kasi nung maka uwi ako from coffeeshop na pinagtatrabaho-an -para makadagdag sa gastos sa bahay na tinutuluyan ko, nakakahiya naman kasi kay Nanay Abeng.


Maya maya pa ay tinapik ako ni Chanty. "Saji, andyan na si ma'am." bulong niya sa akin. Inalog niya ang balikat ko.

Tiningnan ko siya bago ibinaling ang tingin sa kung sino ang nasa unahan. Hindi ko gaanong naaninagan siya agad, at bukod doon ay nakalikod din ito sa amin.


Sari-saring bulungan ang aking narinig mula sa mga kaklase.


"Akala ko matanda siya?"


"Ang ganda niya, pre."


"Ang laki ng hinaharap niya, sis. Sana all blessed."

"Mukhang maldita, pero okay lang maganda naman si Ma'am."


"Sana hanggang fourth year na natin siya, Prof."


Nanatili ang tingin ko sa bagong Professor namin, hindi ko ma gets ang aking sarili dahil sobra akong kinakabahan sa kanya. Parang sasabog ang puso ko.


May kung anong isinusulat siya sa whiteboard, and when she finished writing she turned around, At doon na ako tuluyang napahinto sa paghinga. The moment I saw her face, it gave thousands of undeniable pain in my heart.


"So, everyone, good morning!" she genuinely greeted us.


Tila nahinto ang buo kong mundo nang muli siyang makita. She roamed around her eyes and when it landed on mine, it was obvious that she almost fell down. Ilang segundo kaming nagtitigan at nung nag-iwas siya ay mabilis itong tumakbo palabas ng classroom namin.


Everyone in the room went silent. Ako naman ay nakuyom lang ang kamao. "Hala, anyare kay ma'am? Nakakita ba iyon ng multo? 'tsaka yare ka, Saji, natakot yata si ma'am sa'yo e." pang aasar ni Chanty, my friend didn't know what she was talking about; she doesn't even have any idea.


Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now